^

PSN Opinyon

EDITORYAL - May nangangako na sa FOI Bill

Pilipino Star Ngayon

UMARANGKADA na ang karera sa pagka-presi­dente sa 2016. Tatlo ang maglalaban: Jejomar Binay, Mar Roxas at Grace Poe. Si Poe pa lamang ang may katambal – si Sen. Chiz Escudero. Si Binay at Roxas ay wala pang inihahayag. Pero sabi ni Binay, mayroon na siyang katambal at ihahayag niya sa nalalapit na panahon. Si Roxas­ ay wala pang sinasabi ukol dito.

Nang magdeklara si Senator Poe ng kandi­datura sa pagka-presidente noong Miyerkules sa Bahay ng Alumni sa UP-Diliman Campus, binanggit agad niya ang tungkol sa Freedom of Information (FOI) Bill. Kailangan daw maipasa ang panukalang batas. Ito raw ang magiging kalasag nang mamamayan para hindi manaig ang mga corrupt sa pamahalaan. Mabisang pananggalang ang FOI sapagkat magkakaroon ng karapatan ang mamamayan na malaman ang mga pinapasok na tran­saksiyon ng gobyerno.

Sa tatlong presidentiables, tanging si Poe pa lamang ang matapang na naghayag ng saloobin sa FOI Bill. At tama naman siya na dapat nang maipasa ang panukala sapagkat mahalaga ito para sa taumbayan. Ito nga ang magiging shield sa katiwalian.

Wala ng sinasabi ukol sa FOI sina Binay at Roxas gayung mas nauna na silang naghayag ng kandidatura. Wala bang pangarap ang dalawa na mabigyan ng kalayaan ang mamamayan na masuri o mahalungkat ang mga pinasok na transaksiyon ng mga taga-gobyerno o mismong ang mga namumuno sa bansa. Wala ba silang paki kahit na kaliwa’t kanang kawatin ang pondo ng bayan?

Nangangako na si Poe ukol sa FOI at hindi naman ito masama. Mabuti nga siya at kahit paano, mayroon na siyang naiisip para mapangalagaan ang pondo. Kahit paano nakikita na niyang dapat mabantayan ang mga “buwaya” sa paglamon sa perang pag-aari ng taumbayan.

Hindi naman sana mapako ang pangako, kung sakali at makaupo sa mataas na puwesto. Nabigo na sa nakaraan, huwag sana haharaping­ sa bagong umaga. Ang FOI Bill ay dapat maprayoridad­.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINAY

CHIZ ESCUDERO

DILIMAN CAMPUS

FREEDOM OF INFORMATION

GRACE POE

ITO

JEJOMAR BINAY

MAR ROXAS

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with