^

PSN Opinyon

Carpooling

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ISA pang ikinukonsiderang solusyon sa masikip na trapiko ay ang carpooling. Maganda sanang ideya ito na naisip na rin noong araw ng ibang administrasyon pero hindi naipatupad.

Sa mungkahi ni DPWH Sec. Rogelio Singson,  huhulihin ang mga sasakyan kapag ang nakalulan ay mababa­ sa apat na pasahero. Baka kailangan pa ng batas at ordinansa riyan dahil walang batas na nagbabawal sa “driving alone” hehehe.

At kung may batas man, ang kuwestyon ay, papaano kung may lulan ako’ng apat na pasahero at bumabagtas­ sa kahabaan ng EDSA? Bumaba ang dalawa sa Trinoma­ at ang dalawa ay sa may Cubao. Ibig bang sabihin ay  huhulihin na ako pagkalampas ng Cubao dahil nag-iisa na lang ako sa kotse?

Hindi ko sinasabing pangit na ideya ito. Katunayan, nagagandahan ako. Pero sa palagay ko, dapat ito’y kusang loob na gawin ng mga motorista na walang obligasyon sa batas. Moralsuasion wika nga. Udyukan ang taumbayan na dahil sa lumulubhang situwasyon ng trapiko ay dapat magkaisa sa paghanap ng solusyon sa problema.

Puwedeng mag-usap ang mga magkakapit bahay  na ang tanggapan ay nasa iisang direksyon. Sa ganitong araw, si Pedro ang mag-aangkas sa kanyang kotse at sa ibang araw ay si Juan naman. Maganda sana dahil mababawasan ang wear-and-tear ng kotse at hahaba ang buhay, bukod pa sa makatitipd sa konsumo ng gas.  Kung estriktong maipatutupad, malaking bawas iyan sa volume ng mga sasakyang humahayo’t-dito sa mga kalsada­.

Pero may ilang problemang mahirap i-reconcile. Pa­ano kung iba-iba ang oras ng labas sa opisina? O kaya ay may pupuntahang ibang lugar yung ibang kasama sa car pool? On a case-to-case basis, possible iyan kung ang magsasama-sama ay magkakaibigan na iisa ang direksyong pupuntahan at iisa ang oras ng uwi.

Kaya isipin muna ang mga practicable solutions: Hulihin ang mga colorum; ipagbawal ang parking sa mga lansangan; tanggalin ang mga illegal na istruktura gaya ng mga basketball courts sa gitna ng daan at mga illegal vendors at; alisin ang mga illegal na terminal ng mga pampublikong sasakyan. Dapat ding paghuhulihin yung mga jeepney at bus na tumetengga ng napakatagal sa mga daan sa paghihintay ng pasahero, at papanagutin ang operators ng mga trak at ibang sasakyan na tumitirik o nakakaaksidente sa daan dahil  bulok na.

ACIRC

ANG

BUMABA

CUBAO

DAPAT

HULIHIN

IBIG

MAGANDA

MGA

PERO

ROGELIO SINGSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with