^

PSN Opinyon

Mar-de Lima na lang kaya?

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

DON’T get me wrong, hindi ko pino-promote ang tambalang ito. Saglit lang na sumagi sa isip ko matapos ang insidente ng protest rally ng Iglesia ni Cristo (INC). Kakaiba kasi ang ginawa nina DILG Sec. Mar Roxas at DOJ Sec. Leila de Lima. Pareho sila nanindigan sa pag-iral ng rule of law imbes na pumanig sa ginawang mass protest ng Iglesia ni Cristo (INC). Pagkatapos ng limang araw na protesta sa anila’y pakikialam ng gobyerno sa kanilang internal affairs, lumigpit na kamakalawa sa kanilang mass action ang mga members ng INC.

Naranasan ng marami ang tindi ng trapiko dahil sa nangyaring pagbabara ng kalsada. May mga kumakalat pang balita sa social media na may namatay sa ambulansiya nang di makarating agad sa ospital dahil sa ma­tinding trapik.

Ngunit hindi natameme ang pamahalaan. Sinabi ni De Lima na hindi siya magre-resign, maliban na lang kung panahon na para sa filing ng candidacy sa dara­ting na eleksiyon. Si DILG Secretary Mar Roxas naman, pinangunahan ang pagtugon ng mga LGU, ng PNP at ng MMDA sa mga isyung kaugnay ng kalinisan, kaayusan at kaligtasan. Aniya, habang nirerespeto ng pamahalaan ang karapatan ng bawat isa na magpahayag ng saloobin, obligasyon din nitong pangalagaan ang lahat, kasama man sa nagpo­protesta o hindi.

Yung ibang politiko ay kumampi agad sa INC para makuha ang boto ng may 2 milyong kasapi nito. Pero imbes na sakyan ang isyu nagmatigas sina Roxas at de Lima sa pagpapanatili ng rule of law. Sila na lang kaya ang magtambal sa presidential elections sa 2016? Mar-de Lima?

Sabi ng iba, nagkaroon daw ng kasunduan sa pagitan nina Pangulong Aquino at Ka Eduardo Manalo, leader ng INC. Ito umano ay ang pagbibigay ng graceful exit kay de Lima para pagbigyan ang gusto ng mga INC na galit sa kanya.

Ngunit si de Lima na ang nagsalita na hindi siya magbibitiw at tiniyak na itutuloy ang imbestigasyon sa mga inireklamong matataas na opisyal ng INC na umano’y nanggipit sa ilang ministro nito na may natuklasang anomalya sa loob ng iglesya.

Sabi nga, no one is above the law. Kung may nagkasala, dapat managot para umikot ang gulong ng hustisya.

ACIRC

ANG

CRISTO

DE LIMA

INC

KA EDUARDO MANALO

MAR ROXAS

NGUNIT

PANGULONG AQUINO

SABI

SECRETARY MAR ROXAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with