^

PSN Opinyon

Tuliro ang MPD

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HARD LOSSER pala si Bokbok Sandoval, mantakin n’yo mga suki, matapos na maunsiyami ang monkey business transaction nito sa bakuran ng Manila Police District. Aba’y ang pinagbuntunan ng galit ay ang dati niyang business in crime partner, hehehe! Ipinagkakalat kasi ni Bokbok sa lahat ng mga nakakausap na opisyales ng MPD ang pagi-ging doble kara ng kanyang kapartner. Kung sabagay may katwiran si Sandoval na magalit dahil noon halos magkapalitan ang kanilang mukha sa sobrang dikit at lagkit ng kanilang pagsasama. Subalit nang hindi pumasa ang proposal nito sa opisina ni MPD director Chief Supt. Rolando Nana umiba na ang trato nito sa dating kasama.  Ayon sa aking mga nakausap diyan sa MPD, ito palang si Tabatsoy ay lumilinya sa pagbu-booking ng mga collector sa bawat unit ng operatiba ni Nana.

Super Bagyo kasi ang dating nito kay Nana kung kaya lapitin siya ng mga collector at mga nari-relieve na mga opisyal ng pulis. Nakikialam din daw ito sa balasahan lalo’t ang naapektuhan ay ang kanyang mga gatasan ng datung. Mukhang bumabawi umano si Tabatsoy dahil nang mabankarote ang kanyang business ay hindi ito nakapagbayad ng may ilang buwang upa sa inukopang gusali, maging ang canteen ay hindi nito binayaran, hehehe! Ma-ging ito palang pergalan queen ng Maynila na si  Maressa ay itinulay kay Nana upang makapaglatag ng mga color games sa Sampaloc at Sta. Ana area nitong nagdaang mga araw. Subalit mukhang sinolo nito ang katas na iwinisik ni Maressa kung kaya pinagtitiklop ito ng mga kapulisan sa takot na masalakay ng mga tauhan ni NCRPO chief Joel Pagdilao.

Sa ngayon tuliro ang mga collector ng mga unit ng MPD  sa pagbubulgar ni Bokbok Sandoval dahil hindi malayong lumabnaw ang kamandag na laway ng kanilang padrino at di-malayong maabot na sila ni Nana at Pagdilao. Ito na kaya ang panahon para pag-ibayuhin ni Nana at Pagdilao ang pag-imbestiga sa ilang pulis na luminya sa koleksyon sa kaharian ni Manila Mayor Joseph “ Erap” Estrada kahit wala na sa rosters list ng MPD? Makakabkab kaya ni Nana ang isang opisyal niya na may dismissal order  ng PNP? Iyan ang pagkakatutukan natin mga suki! Samantala, may away kayang namumuo sa mga video karera/fruit games machine operators o talagang may teritoryo lamang silang pinaghaharian.

Kasi nga ito palang si Romy Gutierrez ay hindi makapaglatag ng VK sa lugar ni Col. Villanueva ng Abad Santos police Station (PS-1) dahil ang halos 200 makina nito ay nakatranko sa Police Station-1 lamang. Isang nagngangalang Ronald Bautista alias “Onay” umano ang  tumatayong locator ng mga VK bukod pa rito ang pagiging kolektor ng lingguhang intelihensiya ng PS-1 at PS-7. Ang pagbubulgar na ito ng mga concerned citizen ng Tondo ay sa dahilang talamak na ang operasyon ng droga sa kanilang lugar. Naniniwala itong aking kausap na ang mga VK ang front ng drug trafficking sa kanilang lugar dahil pawang mga adik ang tumatangkilik nito. Ang masakit lalong dumarami ang nagiging mangmang na kabataan dahil nagugumon ito sa paglalaro ng VK. Hihintayin mo pa ba Mayor Erap Estrada na mabulid din sila sa pagkakalulong  sa droga?  Kaya ang hamon ko kina General Nana at NCRPO chief Pagdilao kailan ninyo ikukumpas ang kinakalawang ninyong kamay na bakal sa pagdurog ng mga VK. Abangan!

ABAD SANTOS

ANG

BOKBOK SANDOVAL

CHIEF SUPT

GENERAL NANA

ITO

JOEL PAGDILAO

MGA

NANA

NITO

PAGDILAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with