^

PSN Opinyon

Ampon

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Marami sa ating kababayan ngayon

Sila’y nabubuhay dahil sa inampon;

Di kayang buhayin nang sila ay sanggol

Sa bahay ampunan sila’y nangaroon!

 

Maging itong ating bansang minamahal

Ay inampon lamang ng bansang marangal;

Nang tayo’y sakupin nitong mga sakang

Kumilos ang U.S. pinalaya naman!

 

Tayo’y inalipin sa lakas ng puwersa

Tayo ay inampon nitong Amerika;

Kung hindi kumilos bansang nagpalaya

Tayo ay alipin sa hirap at dusa!

 

May mga dalaga na hindi matanggap

Na sila’y nabuntis nang wala sa oras;

Upang maitago ang kanilang malas

Kung saan-saan sila nanganganak!

 

At maging sa aking pagsulat sa dyaryo

Ako ay ampon lang ng editor nito;

Kung sa unang subok nabigo na ako

Wala kayong mababasa sa pitak na ito!

 

At may mga ampon na maswerte naman

Kahit sa abroad pa sila’y pinag-aral;

Pag-uwi sa bansa kanyang natutunan

Ibinahagi n’ya sa maraming bayan!

 

Katulad na lamang ni Senator Grace Poe

Si F.P.J. sabi’y ama nito;

Nagpakitang gilas doon sa senado

Palibhasa’y ampon ng mabuting tao!

 

Di siya baguhan sa kanyang mithiin

Siya ay nag-aral ng higit sa atin;

Kanyang karunungan higit na magaling

Siya ay hinog na at hindi balimbing!

vuukle comment

ACIRC

AMERIKA

IBINAHAGI

KAHIT

KANYANG

KATULAD

NBSP

SENATOR GRACE POE

SI F

SIYA

TAYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with