^

PSN Opinyon

Bagong Sistema, Bagong Pag-asa ni Puno

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IBINIDA ni ex-Chief Justice Reynato Puno na billion of pesos ang malamang magastos ng bawat kandidato sa pagka-panggulo este mali Pangulo pala sa Philippines my Philippines sa 2016 elections.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  sinabi ni Puno na P15.00 each voters ang maaring gastusin ng isang kandidato sa pagka-pangulo dahil ito ang batas pero ang totoo ay higit pa sa ganito ang ginagastos ng mga kandidato.

Ikinuento ni Puno, kung mayroon 55 million register voters sa Philippines my Philippines this 2016 presidential election ang isang kandidato sa pagka-presidente ay maaaring gumastos sa kampanya ng P825 million hindi pa kasama dito ang pambayad sa ‘commercials’ sa radio at Tv dahil ang isang 30 seconds commercial sa nangungunang TV station sa Philippines my Philippines ay mahigit P700,000 to P800,000.

Kaya sa 10 tv commercials sa loob ng isang araw, gagastos na ang isang kandidato ng P8 million.

“Kung ganito ang sistema,  mabuti pang baguhin natin ang Article VII, Section 2 ng 1987 Constitution na nagsasabing ang tanging kuwalipikasyon sa pagkandidato sa pagka-pangulo ay pagiging natural-born citizen, rehistradong botante, marunong magbasa at magsulat, at naninirahan sa Philippines my Philippines sa nakaraang 10 years,” sabi ni ex-chief Justice Puno.

“Idagdag na nating kuwalipikasyon na dapat may depositong hindi kukulanging sa isang bilyong piso o may kakayahang manghingi ng kontribusyong ganito kalaki, dahil ginagawa lamang nating katawa-tawa ang ating Saligang Batas, dagdag ni Puno na nagunguna sa kilusang Bagong Sistema, Bagong Pag-asa.

Isunusulong ng ‘Bagong Sistema, Bagong Pag-asa,’ ang pagpapatawag ng isang referendum kasabay ng election sa May para tanungin ang madlang people kung nais nilang baguhin ang 1987 Conbstitution  sa pama­magitan ng isang Constitutional Convention.

Ayon kay Puno, maituturing na critical ang darating na halalan dahil kung sino man ang mahalal, kailangan “paghilumin ang malalalim na sugat ng lipunan at siguruhing hindi mababawasan ang teritoryo ng Philippines my Philippines sa mga pinag-aagawang isla sa West Philippine Sea.

Nakapanlulumong isipin na ang kagustuhan ng madlang people ay mabubusalan ng salapi ng mayayamang politiko at mayayamang tao sa kanilang likuran.

“Kung ang mga partidong politikal ay lason ng lipunan, ang malaking gastusin sa bawat halalan ay isang kanser ng ating demokrasya,”  dagdag ni Puno.

Abangan.

Noel ‘mayor’ at Tin ‘joy’ (4)

MILLION of pesos pala ang naging utang ng gold digger na si alyas Tin ‘joy’ sa dati nitong lover boy kaya naman nagkukumayog ito sa ngayon kasi sinampal este mali sinampahan pala ito ng demanda sa isang place sa Philippines my Philipppines.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dalawang pulpol na politiko ang baliw na baliw kay alyas Tin ‘joy’ at isang tsekwang bigtime customs broker kaya dito ngayon ito sumasandal para mapagtakpan kung sakali ang salaping sinisingil sa pagkaka-utang niya.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kinakasama ngayon ni alyas Tin ‘joy’ ay si alyas Noel ‘mayor’ pero ang hindi alam ng huli ay nakikilaplapan ito kay Michael ‘Hopia,’ isang smuggler at customs broker dahil hindi biro ang salapi ng kanyang kinakalantare sa ngayon.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Huebes (Aug. 27), ay naka-sked ang dinner date nila alyas Sherwin at Tin ‘Joy’ dahil ang balita ay mukhang gustong bumalik ng una sa huli kaya naman nagpaparamdam ang kelot sa gold digger na bebot.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, positibong buntis si alyas Tin ‘joy’ pero mukhang ipaako niya ito kina Sherwin, Michael ‘Hopia’ at alyas Noel ‘mayor’ ang problema nga lamang ng bebot na pakarat buko siya ng huli kahit gusto nitong magka-anak sa kanya.

‘positive ang findings sa ospital ng ipa-checkup ito ni alyas Noel ‘mayor’ kasama ang kanyang sekretarya, ang problema nga lamang nang magbilang ng araw ang kelot mukhang hindi sa kanya ang pinagbubuntis nito kaya naman binabawi lahat ni lover boy ang mga ibinigay niya sa gold digger na ikinama niya.’ sabi ng kuwagong haliparot.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tahimik lang kung gumalaw si Noel ‘mayor’ dahil tina-trabaho na ito ng kanyang esmi ng magsumbong ang kanyang trusted dog sa huli !

 

ACIRC

ALYAS

ANG

AYON

BAGONG PAG

BAGONG SISTEMA

ISANG

ITO

MGA

PHILIPPINES

PUNO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with