^

PSN Opinyon

Bargn Farmaceutici Philippine Company

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IKINUENTO ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na sinalakay pala ng NBI agents ang BFPC warehouse sa Tagaytay, sa sumbong ng dati nilang trabahador na kinasuhan nila ng ‘theft’ kaya sa ngitngit nito para makaganti ay kung anu-anong imahinasyon ang ginawa para sirain ang aming kumpanya sa madlang people.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang BFPC ay manufacturer, seller at distributor ng ‘food supplements,’ pero ang kumpanya ito ay may magandang record mula sa FDA at nilinaw na hindi sila gumagawa ng ‘medicine.’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang BFPC, ay hindi nagbebenta o namamahagi ng mga luma o sirang mga food supplements gaya ng akusasyon sa kanila.

‘Lahat ito ay paninira lamang sa amin ng dati naming em-pleado na kinasuhan ko ng pagnanakaw.’ sabi ni Nino Bautista, may-ari ng BFPC.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga nakita ang NBI na dinala nila sa kanilang opisina na mga expired na food supplements sa aming ‘rejection room’ pero ito ay may mga red label marking na ang ibig sabihin ay hindi na ‘fit for human consumption.’

“Hindi naman namin puede itapon agad-agad ang mga ito, ang mga food supplements ay isinauli ng aming mga customers  na mapapaso o paso na ito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  hindi puedeng basta na lamang itapon ng BFPC, ang pasong food supplements kung saan-saan lugar dahil may sinusunod silang panuntunan, regulasyon at alintuntunin ng FDA at DENR.’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, wala naman isinampang kaso ang NBI sa ginawang pagsalakay sa BFPC warehouse sa Tagaytay, pero kung mayroon man ito ay kanilang haharapin sa legal na paraan.

Abangan.

Noel ‘mayor’ at Tin ‘joy’ (3)

IBINULONG pala nang matabil na trusted dog ni alyas Noel ‘mayor’ sa kanyang esmi ang relasyon nila betka niyang si alyas Tin ‘joy’ kaya naman naggagalaiti sa galit ang watot.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bantay sarado na si alyas Noel ‘mayor’ dahil pati damit na suot nito at brief nito ay inaamoy-amoy na ni esmi puera lang ang medyas dahil mabaho ang paa nito. Hehehe!

Ika nga, lagot na kayo!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gusto palang tumakbo ni alyas Noel ‘mayor’ sa mas mataas na posis-yon sa Tarlac este mali gobierno pala kaya lang ang problema nito umalat este kumalat pala ang tsismis sa kanyang place at natakot na baka lalong madiskaril ang kanyang carrer.

Ika nga, dahil sa love scene!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya ang ginagawa ni alyas Noel ‘mayor’ sa betka niyang si alyas Tin ‘joy’ ay paliguan na lamang ito ng salapi at bigyan ng kung anu-anong negosyo basta ang kapalit ng lahat nang ito ay bigyan siya ng anak.

‘Ang kaso bagsak ang negosyo. Ubos ang puhunan!’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ikinuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na baliw na baliw si alyas Noel ‘mayor’ kay alyas Tin ‘joy’ sa kagandahan ng betka niya.  Ang masama nga lamang hindi pala nito alam na pakarat o pa jokard si alyas Tin ‘joy’ na nakaistambay sa isang casino sa tapat ng NAIA terminal 3, dahil dito ito nakukuha ng kanyang mga kliente na kursunada siyang ikama.

Ika nga, marami na ang pumatong. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kapit-tuko si alyas Tin ‘joy’ kay alyas Noel ‘mayor’ para maprotektahan siya sa pagkakautang ng bebot sa kanyang ex-bf hindi kasi biro ang halagang natangay nito sa dati niyang kakang-kangan. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gumimik pa si alyas Tin ‘joy’ kay Noel ‘mayor’ na buntis siya kaya ang ginawa nang huli na madly in-love sa kanya ay pina-check up ito sa isang mamahaling ospital sa Taguig.

Tanong - ano ang nangyari positibo bang tesbum si alyas Tin ‘joy’?

Sagot - mukhang walang batang laman ang tiyak ng betka kaya buwisit na buwisit si alyas Noel ‘mayor’ sa kanyang betka.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil madly in-love si alyas Noel ‘mayor’ kay alyas Tin ‘joy’ dehins na nito naasikaso ang kanyang esmi kaya nagpuputok ang butchi ng huli.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para hindi lumaki ang laman ng away nila ng esmi niya ay balak ni alyas Noel ‘mayor’ na ipadala sa aboard este mali abroad pala ang kanyang betkang si alyas Tin ‘joy.’

Abangan.

vuukle comment

ACIRC

ALYAS

ANG

ASSET

AYON

KUWAGO

MAYOR

MGA

MISMO

NOEL

ORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with