^

PSN Opinyon

Taguig Mayor Lani Cayetano vs. drug traffickers

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HUMANGA ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa matinding coordination nina Taguig City Mayor Lani Cayetano at ang local police niya dahil sa pagkakahuli ng daan-daan drug traffickers kasama todits ang 2nd, 4th,5th,7th at 8th ‘most wanted’ sa Top 10 illegal drug target persnonalites ng Taguig City.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi naging biro ang indikasyon ng tagumpay, seryosong pagsulong nang mga tauhan ni Cayetano at PNP - Taguig versus sa operasyon ng mga sindikatong ng illegal drugs.

Natutuwa ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa paghuli ng mga kamote dahil magandang ang balita sa kanila porke buhay lahat ang nasungkit nina Cayetano at PNP Taguig.

Ika nga, saludo at palakpakan sila!

Bakit?

Sagot - buhay lahat ang nahuli!

Sabi nga, Lord, thank you.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi titigil sina Mayor Lani at Taguig police hangga’t may mga intel report na may mga drug traffickers sa kanilang lugar kaya naman tinagubilinan ng Alkalde ang kapulisan na huwag hihinto sa operasyon laban dito para masugpo at hindi na kumalat pa ang mga adik sa kanyang place.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nasungkit ng pulisya si alyas Richard Silvestre, ang diumano’y number 4 ‘most wanted’ drug trafficker sa Taguig nakuha rito ang may 40 grams ng shabu na may P200,000 halaga at 6 pang mga drug suspects.

Ayon kay Mayor Cayetano, umaangat sa 70% ang bilang ng mga nadakip na suspek sa droga sa unang anim na buwan ng kasalukuyang taon kumpara sa naitala  mula Enero hanggang Hunyo ng taong 2014.

Ikinuento ni Mayor Lani, mas maraming pusher ang nakalaboso ngayon kaya naman mas enjoy dahil maraming mga droga ang nawala sa kalye na hindi na makakarating pa ng mga dupang na adik.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, simula ng manungkulan si Mayor Lani pinag-ibayo nito ang kampana este mali kampanya pala laban sa mga sindikato ng illegal drugs kaya naman sangkatutak ang naghihimas ng rehas sa bilibid ngayon hindi tulad noon ang Taguig ay binansagan isang illegal drugs hotspots.

Ibinida ni Mayor Lani sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang sunod-sunod na huli ng pulisya na ikina­dakip nina Isidro Llagas, 44, No. 7 sa hotlist, Mardie Talampas, 44,No. 8 sa hotlist, na naghihimas na ngayon ng rehas noong isang buwan, ang Abone Group nasungkit ng pulisya matapos makunan 108.6 grams ng shabu, isang Jackie Abone, ang No. 2 Most Wanted ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group at No. 10 sa talaang ng NCRPO Illegal Drugs Target Personalities, Rawie Castro, No. 5 sa hotlist, kasama sina Bernardo Eslao, Aileen Magpantay, Alexander Manalo at Nyljohn Peralta.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nabuwag ng Taguig police ang prominienteng miembro ng Tinga Drug Syndicate, kabilang sina alyas Joana Tinga at Henry Tinga, nakalawit din ng pulisya si Elisa “Ely” Tinga, diumano’y miembeo ng Tinga Drug Syndicate at No. 3 most wanted sa police watchlist.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ginawa at ipinakita ni Mayor Lani sa Taguig sa pagsupil, pag-sugpo, paghuli at pagkalaboso sa mga drug traffickers ay dapat gayahin ng LGU’s sa Philippines my Philippines para hindi na kumalat ang drogang gamit ng madlang dupang.

Abangan.

Si Lyn Sanchez ng MRI St. Luke’s Kyusi

NAGPAPASALAMAT ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kay Lyn Sanchez, nakatalaga sa MRI department ng St. Luke’s dahil sa malaking tulong na ginawa nito.

‘Mabait, may puso, maalalahanin, mapagkumbaba at hindi suplada si Lyn sa mga pasyente pumupunta sa MRI department.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

* * *

Si LTFRB chairman Ginez at ang NOVA at Worthy Bus Line

TWENTY ONE passengers ng dalawang nagkakarera at abusadong mga drayber nang bus ang nasaktan matapos magkarambola ang mga ito sa Kyusi.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang dalawang drayber ay dapat ikulong at bayaran ang mga biktima nilang mga pasahero.

Ika nga, hindi puedeng ‘sorry’ lamang dito!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nadamay ang isang Cesar Diaz, driver ng Dianadal taxi dahil sa ginawa ng dalawang abusadong drayber na nagkakarera dahil nag-aagawan sila ng pasahero.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang miminsan nagkahetot,hetot ang Nova bus line kaya kailangan na itong suspindihin. Ang Worthy bus line ay dapat busisiin para suspindihin din.

Sabi nga, indefinitely?

Tanong - bakit pinapayagan ni LTFRB chairman Ginez ang NOVA bus line na bumiahe pa samantala karag-karag na ito.

Ika nga, lokbu? Hehehe!

Abangan.

ACIRC

ANG

ASSET

AYON

KUWAGO

MAYOR LANI

MGA

MISMO

ORA

SABI

TAGUIG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with