^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Kaawa-awang kalagayan ng Yolanda victims

Pilipino Star Ngayon

HANGGANG ngayon, (magdadalawang taon na sa darating na Nobyembre 8 ang pananalasa ng Bagyong Yolanda) marami pa rin sa mga biktima ang naninirahan sa bunkhouses at mayroon pa rin umano­ sa mga tent. Marami namang naitayong bahay ang gobyerno subalit ang nakadidismaya, walang tubig at kuryente roon. Lubhang kaawa-awa ang kalagayan ng mga nawalan ng tahanan na umaabot sa 890,895 pamilya. Mahigit 6,000 ang namatay sa bangis ni Yolanda na ang lakas ng ha­ngin ay 270 kph. Nagkaroon ng storm surge at winalis ang mga bahay sa baybay dagat. Pati mga barko ay tinangay sa mga kabahayan. Nasa P89.6 billion ang halaga ng napinsala.

Maraming bansa ang nagpadala ng tulong sa Pilipinas makaraang tumama ang bagyo. Umano’y umaabot sa P73.31 billion ang naipadalang tulong nang maraming bansa. Hanggang ngayon, may mga foreign organization ang nakatutok sa mga biktima ng Yolanda.

Pero ang nakapagtataka, sa kabila na maraming tulong na dumating, mabagal ang recovery ng mga biktima ng Yolanda. Hindi umuusad ang kalagayan at patuloy ang paghihirap. Kulang sila sa panga­ngailangan.

Ang ganitong kalagayan ang nakita mismo ni Chaloka Beyani, ang UN special rapporteur on human rights of internally displaced person na bumisita sa mga biktima ng Yolanda. Nagtagal si Beyani sa bansa sa loob ng 10 araw. Nasaksihan niya ang kawawang kalagayan ng mga biktima. Ayon pa kay Beyani, bagama’t may mga bahay o tirahang ginawa, wala namang sapat na tubig, kuryente at iba pang pangangailangan.

Sinisi naman ni dating senador at rehabilitation czar Panfilo Lacson ang Department of Budget and Management (DBM) dahil sa hindi pag-released ng P167.8 billion na inaprubahan ni President Aquino para sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta.

Makaraang mabatikos ang pamahalaan, sinabi ng Malacañang na magsasagawa pa ng mga tirahan para sa mga biktima. Hindi maayos na natutugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga biktima sa kabila na maraming natanggap na tulong. Kung hindi pa batikusin, hindi kikilos. Bakit kaila­ngang pagtagalin ang kalbaryo ng Yolanda victims?

ACIRC

ANG

BAGYONG YOLANDA

BEYANI

BIKTIMA

CHALOKA BEYANI

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

MGA

PANFILO LACSON

PRESIDENT AQUINO

YOLANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with