^

PSN Opinyon

‘Extortion o bribery?’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

LANSANGAN ang basehan kung anong uring pamumuno, panunungkulan, kulay at kultura mayroon ang isang bansa.

Dito palang, makikita na kung disiplinado o balahura ang mga mamamayan at kung pabaya at palpak ang mga namumuno at nangangasiwa.

Sa lansangan makikita ang mga nagpapatupad ng batas at lumalabag sa batas. Repleksyon ito ng mga nakaupo sa itaas, sa gitna at sa ibaba.

Dalawang uring tao lang mayroon sa lansangan, kotongero at manunuhol. Walang malinaw na panukat kung gaano kalaki ang bilang ng mga mangongotong na nagpapatupad ng batas at bilang ng mga nahuhuling nanunuhol.

Hindi lahat ng mga nakikita sa lansangan pwedeng gawing basehan at husgahan kung ano ang mas marami. Ang naunang nagpahiwatig ng motibo ang siyang may mas malaking kasalanan sa batas.

Nasaksihan ng BITAG Intel team ang iba’t ibang senaryo at ganitong mga transaksyon sa bahagi ng Aurora Avenue sa Cubao, Quezon City.

Kalat ang mga traffic enforcer ng Quezon City Department of Public Order and Safety (QC DPOS) at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tumitingin sa bawat dumaraang motorista.

Bawat unipormadong enforcer na nakabilad sa araw may mga kusa, dedikasyon at dunong na isaayos ang daloy ng trapiko.

Subalit, kung pagmamasdang maigi, makikita ang kanilang mga kalokohang pinaggagagawa. May ilang traffic enforcer na binabato ng barya ng mga tsuper ng jeep na dumadaan. Hindi malinaw kung ito ay pagbibigay pugay sa kanila o makabagong estilo ng butaw.

Napitikan din ang mga traffic enforcer na diplomatikong nakikipagtawaran sa mga nahuhuling lumabag sa batas-trapiko.

Pero hindi sila makikitaan ng pahiwatig bagkus ang maririnig sa kanila panuntunan ng batas, mahinahong boses at magalang na pakikipag-usap. Bahala na ang motorista na magbasa sa kaniyang isip at bibig.

Ang mga nangyayaring ito sa lansangan, nangyayari rin sa pamahalaan. Tulad ng mga maliliit na traffic enforcer ang mga gabinete parehong may mga kusa, dedikasyon at dunong subalit ginagamit sa katarantaduhan.

May mga nanunuhol para makapagtayo ng mga ilegal na negosyo sa bansa at mayroon rin namang mga taong-gobyerno na nanggigipit gamit ang titulo at pwesto para maka-kotong. Depende sa kulay at kalansing ng salapi, nagkakasundo ang dalawang panig.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

 

ABANGAN

ANG

AURORA AVENUE

BAHALA

BATAS

KUNG

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MGA

NBSP

QUEZON CITY

QUEZON CITY DEPARTMENT OF PUBLIC ORDER AND SAFETY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with