^

PSN Opinyon

Bagyo sa Semana Santa

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MARAMING plano ang naunsiyami nitong Semana Santa, dahil sa bagyong “Chedeng”. Noong medyo malayo pa sa bansa, lumakas ito nang husto hanggang sa umabot sa kategoryang “super typhoon”. At ang tatahakin ay ang hilaga at gitnang bahagi ng Luzon. Kaya maraming bakasyonista ang nagpasyang huwag na bumiyahe at baka abutan ng malakas na bagyo sa Sabado o Linggo. Dito na lang sa Maynila nagpalipas ng mga araw. 

Pero habang papalapit naman ang bagyo ay unti-unting humina. Napakainit ng panahon. Sa Tuguegarao, Cagayan, pumalo na ng 37 degrees Centigrade. Habang sinusulat ito, nasa Category 2 na lang, na malakas pa rin. Kaya hindi rin tumitigil ang paglabas ng mga abiso at babala sa bagyo. Signal number 1 sa Catanduanes at Camarines. Inaasahan na hihina pa ang bagyo kapag tumama na sa bansa. Sana nga. Sino nga naman ang mag-iisip na magkakaroon ng “super typhoon” sa Semana Santa. Ganun pa man, hindi ito binabalewala ng gobyerno. Mabuti na ang handa. 

Malungkot tuloy ang ilang mga negosyo na umasa sa mga mahal na araw na magdadala ng magandang negos­yo sa kanila. Sila lang siguro ang masasabing “Biyernes Santo” ang mga mukha dahil sa nawalang oportunidad. Pero hindi pa naman tapos ang bakasyon ng mga bata at tag-init pa rin, kaya baka naman makabawi sa mga susunod na linggo. Ang Semana Santa ay nagbago na talaga. Panahon ng bakasyon. Iilan na lang siguro ang gumugunita ng tunay na kahalagahan ng mga mahal na araw. Kahit ang pasyon ni Hesus ay madalang na ring marinig. Noong araw, ito lang ang maririnig. Ngayon, maraming mall ang bukas kahit Biyernes Santo.  

Wala namang masama kung magbabakasyon sa panahon na ito. Bigyan lang ng kahit konting panahon sa pamamagitan ng pagdarasal sa ginawa ni Hesus sa ating lahat. Ngayon, Pasko ng Pagkabuhay muli. Magsimba, magdasal, magpasalamat.

ACIRC

ANG

ANG SEMANA SANTA

BIYERNES SANTO

HESUS

KAYA

MGA

NGAYON

NOONG

PERO

SA TUGUEGARAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with