^

PSN Opinyon

EDITORYAL – SAF ang may kasalanan

Pilipino Star Ngayon

INILABAS na ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang kanilang imbestigasyon sa Mamasapano incident. Ipinagkaloob ang 37-pahinang report sa Senado noong Martes. Magkakaroon ng hearing ang Senado sa Abril 13.

Sa imbestigasyon ng MILF, lumalabas na ang Special Action Force (SAF) ang unang nagpaputok at gumanti lamang ang kanilang panig. Aares­tuhin ng SAF ang teroristang si Marwan nang magkaroon ng labanan. Hindi raw alam ng MILF na may isasagawang operasyon ang gobyerno sa Mamasapano. Hindi rin daw sa kontrolado nilang teritoryo nahuli ang teroristang si Marwan. At ang mariing sinabi sa report, wala raw koordinasyon ang SAF sa kanila kaya nangyari ang enkuwentro.

Hindi rin daw ang kanilang grupo ang masasabing kumuha ng mga personal na gamit ng SAF sapagkat bukod sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) mayroon pang ibang grupo sa lugar. Maski ang mga sibilyan ay may access sa lugar kaya hindi maituturo ang MILF na kumuha ng mga gamit. Kahit pa nga raw ang kuha ng video kung saan ay binabaril ng isang lalaki ang nakabulagtang SAF trooper ay hindi katibayan na MILF ang may kagagawan niyon. Kahit pa raw naisauli na ang baril na ginamit, hindi masasabing ang MILF ang kumuha niyon dahil mayroon ngang ibang armadong pribadong grupo sa lugar.

Ang mabigat sa sinabi ng MILF, ang isang SAF trooper na bumaril sa apat natutulog na MILF ay dapat sampahan ng kaso. Pinagbabaril umano nang nakaligtas na si PO2 Christopher Lalan ang apat na natutulog sa mosque at ang isang lalaki na nakasalubong sa kalye. Napatay din ang isang batang babae. Si Lalan ang tanging nakaligtas sa labanan noong Enero 25.

Mabigat ang kinalabasan ng report ng MILF at nababaliktad ang pangyayari. Ang SAF ngayon ang nadidiin sapagkat wala raw koordinasyon. Pero paano naman kaya ipaliliwanag ng MILF kung bakit hindi sila tumutulong sa paghuli sa teroristang si Marwan gayung malapit lamang pala ang kinaroroonan nito. At kung mayroong ibang armadong grupo sa lugar, ibig bang sabihin nito, wala silang control sa mga taong nasa loob ng kanilamg sakop na lugar. Di ba’t nakikipag-usap sila para sa kapayapaan?

Dapat maging maingat ang Senado sa pagdinig sa report.

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

CHRISTOPHER LALAN

KAHIT

MAMASAPANO

MARWAN

MILF

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SAF

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with