^

PSN Opinyon

Ano ang ipapataw kay Purisima?

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAKALULUNGKOT isipin ang inilabas ng Board of Inqui­ry sa Mamasapano clash. Tahasang tinukoy na may pananagutan si Pres. Noynoy Aquino. Kaya iba’t ibang kuro-kuro ang naririnig ko sa bakuran ng Manila Police District headquarters. Una na rito ay ang pagiging malapit ni P-Noy kay resigned PNP chief Alan Purisima na nagrekomendang ilun­sad ang “Oplan Exodus” noong Enero 25 sa Mamasapano kung saan nalagas ang 44 Special Action Force (SAF). Ang punto rito ng aking mga kausap ay kung bakit inilihim kina DILG secretary Mar Roxas at Acting PNP chief Leonardo Espina ang pagsalakay sa pinagkukutaan nina Marwan, Basit Usman at Amin Baco. Malinaw na walang tiwala si P-Noy sa kakayahan ni Roxas at Espina ng planuhin ang operation at ang tanging pinagkakatiwalaan ay si Purisima. Maganda naman sana ang naging resulta dahil napatay si Marwan pero ang masakit, nalagas ang 44 SAF matapos na magkalabuan sa reinforcement ng military. Ayon sa aking mga kausap, hindi basta-basta pinaniniwalaan ng mga matataas na opisyales ng military at PNP ang iba’t ibang communication, tanging ang radio massage lamang ang puwede nilang sundin sa oras ng bakbakan. Kaya nagkalamat ang samahan ng military at PNP officers nang gisahin sa Senado at Kamara. Sa ngayon ang hinihintay nila ay kung paano maipapataw ang hustisya sa sinapit ng 44 SAF. Ano raw ang ipapataw kay Purisima at sinibak na SAF commander Dir. Getulio Nape­ñas? Lumalabas na ang tanging sinusunod ni Napeñas ay si Purisima. Bagamat hindi pa alam  kung sino ang may sala, malakas ang hinala ng aking mga kausap sa MPD na mapaplantsa ito sa pagsisimula ng teleseryeng nobela sa Senado at Kamara.

Nakababahala naman ang walang puknat na patayan sa nasasakupan ni Supt. Rolando Macapas sa Ermita. Pagpasok pa lang ng Marso, limang bangkay na ang itinapon sa ilog Pasig at nasundan ng pagpatay sa isang bakla at isang Bombay sa Baseco compound, Port Area, Manila.  Nasundan pa ito ng pamamaril sa may gilid ng Philippine National Red Cross at ang pagpatay sa barangay informer na si Alex Apostol. Ngunit matibay pa rin si Macapas at namamayagpag pa sa puwesto gayong kulang ang deployment ng pulis sa kanyang nasasakupan. Ang masakit laganap pa rin ang bentahan ng shabu at namamayagpag ang illegal gambling. Kailan kaya magigising si MPD director C/Supt. Rolando Nana para balasahin ang mga tutulog-tulog na opisyales? Sa susunod ko na ito tatalakayin mga suki!

Happy 29th anniversay sa Pilipino Star Ngayon! Maraming salamat mga suki sa walang sawang pagtangkilik. Mabuhay kayo!

ALAN PURISIMA

ALEX APOSTOL

AMIN BACO

BASIT USMAN

BOARD OF INQUI

GETULIO NAPE

KAMARA

PURISIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with