^

PSN Opinyon

Pagsisihan natin ang kasalanan

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

NOONG nakaraang Miyerkules ay Araw ng Abo, unang araw sa  panahon ng Kuwaresma. Sa pagpapalagay ng abo sa ating noo, ipinaala-ala na: Alalahanin mong abo ang iyong pinanggalingan at abo rin sa wakas ang iyong babalikan. Magbagumbuhay ka at sa Mabuting Balita sumampalataya.

Ang salitang kuwaresma ay galing sa Latin na quatuor. Dito nabuo ang 40 araw ng ating pagsisisi, pagbabagumbuhay at paghahanda sa pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay ni Hesus. Hindi natin aawitin ang Alleluia sa araw-araw na pagdiriwang sa Banal na Misa. Mabiyaya at mahalaga sa ating mga Kristiyano ang 40 araw. Paalaala ito sa ating pakikipagtipan sa Panginoon, hindi na Niya lilipulin ang mga may buhay sa pamamagitan ng baha. Ang tanda ng pagtitipang ito sa Panginoon ay ang pagkakaroon ng ulap at lilitaw ang bahaghari. Naganap ito matapos ang 40 araw ng baha sa panahon ni Noe.

Ito rin ang 40 araw ng pag-aayuno, pagtitiis at paglaban ni Hesus sa tukso. “Pinapunta Siya ng Espiritu sa ilang. Nanatili Siya roon ng 40 araw, na tinukso ni Satanas. Maiilap na hayop ang naroon ngunit si Hesus ay pinaglingkuran ng mga anghel. Ang 40 araw din ang pagbaba ng Espiritu Santo matapos ang pagpapahayag ni Hesus sa mga alagad noong araw ng Kanyang pag-akyat sa langit at kaharian ng Kanyang Ama. Kaya ang 40 araw ay naging mahalagang araw para sa ating mga Kristiyano. Maging sa ating pagluluksa sa mga namatay ay inaalala sila sa ika-40 araw at patuloy natin silang ipinagdarasal upang patawarin sa lahat nang nagawang kasalanan.

Maging si Pedro ay nagpagunita sa atin na si Hesus ay namatay para sa atin dahil sa ating kasalanan upang maiharap tayo sa Diyos. Namatay Siya ayon sa laman at muli Siyang nabuhay ayon sa Espriitu Santo. Kaya mga kapatid magnilay tayo, isaisip at isa-puso ang mga nagawang kasalanan. Magsisi at magbalik-loob tayo sa Diyos na kailanman ay hindi tayo pinabayaan.

Ngayon ay Linggo Ng Mga Nangingibang Bayan. Ipanalangin natin ang kanilang kaligtasan at maihatid nawa nila ang pananampalatayang Kristiyano sa pamamagitan ng kanilang paglilingkod sa kapwa.

Gen9:8-15; Salmo24; 1Pedro3:18-22 at Mk1:12-15

ARAW

ATING

DIYOS

ESPIRITU SANTO

ESPRIITU SANTO

HESUS

KANYANG AMA

KAYA

KRISTIYANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with