^

PSN Opinyon

Binay, mauna kang mag-resign

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

MALIWANAG pa sa nagbabagang sikat ng araw na si VP Jojo Binay ay isang Boys Kawat. Hindi na kailangang ma-ging mathematics wizard para mapagtanto na sobra-sobra ang overprice ng Makati parking building.

Bawat kotse ba na naka-park roon ay may sariling kuwarto na naka-aircon o di kaya may mga kitchen, kubeta, labahan, granite floor, etc? Maniniwala ba kayo na ang transaction sa pagbebenta ng lote ng Boy Scouts sa Makati ay zero commission si Binay?

Huwag nating kalimutan na Presidente siya ng Boy Scouts of the Philippines. Kamakailan lamang, may mga nadiskubreng mga lupa na pag-aari ni Binay na di naka-report sa kanyang SALN. Ang paliwanag ni Cong. Abigail Binay, kaya raw hindi nakareport sa SALN dahil naka-report na ang mga ito sa corporation ng kanyang ina na may flower business. Sa pahayag na ito ni Cong. Abigail, lalo lang mababaon ang kanyang ama sa kasong plunder.

Ang suweldo ng mayor ay wala pang P40,000 a month. Saan kukuha si Mayor ng pera para ibili ng mga lote na kakailanganin sa flower business ni Mrs. Binay? Dahil sa napakaliwanag na mga ebidensya na si Binay ay talaga namang Boys Kawat, dapat mag-resign na siya bilang bise-presidente.

Delikadesa na lang sana ang ipinaiiral ng mga Binay rito hindi kapal ng mukha. Naalala ko tuloy si US Vice President Spiro Agnew na kaagad-agad nag-resign nang may mag-akusa na tumanggap siya ng bribe money sa isang contractor noong siya ay gobernador ng Maryland. Bago pa nga naisampa sa korte ang bribery case, nag-resign kaagad-agad si Agnew dahil sabi niya, ayaw niyang ilagay sa kahihiyang sitwasyon ang prestige ng Office of the Vice President of the United States.

Pero wala talaga tayong magagawa kung ang pagmumukha ng isang tao ay ubod ng kapal. Pero kahit man lang sana sa pagka-miyembro ng Cabinet ni P-Noy ay dapat mag-resign na siya.

Ang kanyang partido na UNA ay panay na ang banat kay P-Noy na “he is not telling the whole truth about the Mamasapano incident” kung saan namatay ang mga bayaning SAF 44. Kung ako kay P-Noy, sibakin na niya si Binay bilang Kalihim ng HUD at Presidential Adviser of OFWs. Bilang Representante ng OFWs sa Kongreso, alam ko na zero ang performance ni Binay kung ang kapakanan ng OFWs ang pag-uusapan.

vuukle comment

ABIGAIL BINAY

BILANG REPRESENTANTE

BINAY

BOY SCOUTS

BOY SCOUTS OF THE PHILIPPINES

BOYS KAWAT

JOJO BINAY

MAKATI

P-NOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with