^

PSN Opinyon

‘Nagmumukmok na pangulo sa gitna ng kontrobersiya’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

TAHIMIK na nagmumukmok ngayon ang Pangulong Noy Aquino sa mga isyu at kontrobersiyang bumabalot sa administrasyon.

Pinaka-sariwa ang itinagong operasyon sa Mamasapano, Maguindanao na nagresulta sa madugong eng­kwentro tatlong linggo na ang nakararaan.

Ang mga tagapagsalita ng Palasyo, lito na rin. Mali-mali na sa mga impormasyon at pahayag na binibitiwan sa media. Hindi alam ang isasagot sa mga tanong kung nasaan at kung ano na ang susunod na gagawin ng presidente.

Kaya naman, ang mga gabinete, nananalangin. Makayanan at malampasan ng pangulo ang mga hamon na dumarating sa kaniyang administrasyon. Bigyan siya ng lakas at tibay ng loob na matapos ang kaniyang termino.

Bagama’t isa ako sa mga malalaking personalidad sa media sa pamamagitan ng aking programang BITAG Live na bumabatikos sa mga maling desisyon at sa uri ng pamamalakad ni Presidente Noy nauunawaan ko na hindi madali maging pangulo.

Naniniwala ako na mabait at mabuting tao ang presidente subalit, hindi sapat ang kabaitan sa pamumuno at sa pagiging isang lider.

Kung korupsyon ang pag-uusapan, hindi siya tiwali. Nagkakaroon lang lagi ng problema dahil sa panghihimasok ng mga trapong ‘chuwari-wariwap’ na nakapaligid sa kaniya.

Nakikialam sa pamamalakad ng gobyerno. Kaniya-kaniyang dikta base sa kanilang mga interes. Ang pangulo naman, nakikinig. Yun nga lang hindi sa kaniyang mga boss. Kaya ang kaniyang mga desisyon, baluktot.

Iba naman ang kaso ng mga ‘KKK.’ Na kahit mali na ang ginagawa at isinusuka na ng taumbayan, ipinagla­laban talaga ng patayan. Sa halip na sibakin na sa pwesto, kinukunsinte at pinagtatanggol pa. Nalalagay tuloy siya sa alanganin at nasasakripisyo ang prinsipyong tuwid na daan.

Kaisa ang BITAG Live sa panalangin ng ilang mga matataas na opisyal sa pamahalaan na sana malampasan ng pangulo ang mga kaguluhan at kalituhan sa bansa at makatawid pa siya hanggang sa pagtatapos ng kaniyang termino sa susunod na taon.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

BAGAMA

BIGYAN

KAISA

KANIYA

KAYA

PANGULONG NOY AQUINO

PRESIDENTE NOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with