^

PSN Opinyon

Smuggling sa Bureau of Customs matindi, palusot grabe

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI biro ang puslitan nangyayari ngayon sa Bureau of Customs kaya sadsad na sadsad ang kanilang revenue target collection dahil nagsabwatan na ang mga smuggler dito at mga bugok na opisyal ng BOC.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may dalawang mabantot na pangalan ang naamoy sa bureau kapag pinag-uusapan ang subastahan blues dito dahil hindi makaporma ang ibang mga bidder sa bureau oras na dumating at sumali sina alyas Aling Nene at isang Robert ‘uy-ong goy’ kasi tiyak talo sila sa dalawang antigong bidder na kasabwat ng mga bugok sa BOC.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kayang-kayang ikamada nina alyas Aling Nene at Robert ‘uy-onggoy’ ang gusto nilang shipment oras na nagkaroon ng subastahan blues sa bureau dahil kilalang-kilala sila rito sa tagal na nilang sinisindikato ang bidding.

Kambiyo issue, may mag-among dalawang dating matatakaw sa perang mga empleado ng Bureau of Customs na sinibak ang madalas makita sa Aduana para gumawa muli ng salapi sa maruming paraan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sina alyas Atty. Vener at Andy ‘toong’ ang nagpapakilala ngayon sa bureau gamit diumano ang mga pangalan nina deputy Customs  Ariel Nepomuceno at retired General Delosa?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga taong gago diumano si Delosa at Nepomuceno ang tumatanggap ng P5,000 ‘tara’ bawat container para makalabas ng maayos ang kanilang epektos sa pier.

Abangan.

Mga bugok na Pulis patong sa illegal drugs sa Tagumpay Village

 

MASIADONG malalim ang operasyon ng illegal drugs dyan sa may Tagumpay Village, Barangay Bagong Silangan, Quezon City dahil talamak ang bentahan ng ‘shabu’ dito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas Ryan ‘kamatayan’ at Greg ang supplier ng shabu sa mga dupang sa Tagumpay Village pero may mga adik na dumadayo rito para bumili ng kanilang sisinghutin droga.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa loob ng bahay ng dalawang gagong nabanggit sa Tagumpay Village nakatago ang ‘shabu’ na ibinebenta ng mga ito sa mga adik na kapitbahay nila at sa mga dupang na dumarayo sa kanila na gustong bumili ng supply nila.

Sabi nga, kumatok lamang sa pinto nang bahay ng dalawang gago para makabili kayo! Paging, PDEA director general Arturo Cacdac Jr., mukhang tutulog-tulog ang mga ahente mo sa usaping ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi hinuhuli sina Ryan ‘kamatayan’ at alyas Greg dahil nakikinabang sa kanila ang mga adik na pulis na bumibili rin sa kanila ng ‘shabu.’

Sabi nga, paano mahuhuli?

Sagot - kung talagang gustong hulihin tiyak mahuhuli!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi ito binibisto ng mga burongoy kawatan dahil marami sa kanila ang adik at mismong buyer ng ‘shabu’ dito. Bukod pa sa mga contruction worker at mga adik na tricycle driver?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

‘Ano sa palagay mo Barangay Captain Beng alkitran este mali Beltran pala alam mo ba ang nangyayari sa teritoryo mo?’ tanong ng kuwagong pipi.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isa pang kinatatakutan ng mga residente rito ay itong si alyas Nonong kamote dahil marami na pala itong napatay at ni-rape na baboy este mali bebot pala.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang lugar na kung tawagin ay ‘Sitio Pugot’ dahil kinatatakutan ito sa mga hindi tagarito dahil bigla na lamang binabaril o sinasaksak ang mga dumadayo dito kasi nga ang akala ng mga animal ay mga ‘informer’ ang mga pumapasok sa kanilang lungga.

‘Pati pulis ay alanganin pumasok sa ‘Sitio Pugot.’ sabi ng kuwagong tinatakot.

Abangan.

SILG Mar Roxas magbitiw ka na sa posisyon mo

MUKHANG hindi binibigyan ng maayos na advise si SILG Mar Roxas ng kanyang mga handler para habang maaga at malayo pa ang 2016 Presidential Election ay umalis na ito sa ilalim ng palda este mali cabinet pala ni P. Noy para tumaas ang rating nito sa madlang pinoy kung gusto niyang tumakbo ng pagka-panggulo este pangulo pala sa darating na eleksyon next year.

Bakit?

Sagot - sa ngayon marami rin ang nakiki-simpatiya kay Mar kapag pinag-uusapan ang 44 PNP - SAF Mamasapano massacre dahil talagang nagmukha itong tanga pagdating sa isyung ito.

Ika nga, hindi kasi siya ‘trusted man’ ni P. Noy kaya itinago sa kanya ang operasyon sa Maguindanao.

Abangan.

ASSET

AYON

DAHIL

KUWAGO

MISMO

ORA

SINABI

TAGUMPAY VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with