^

PSN Opinyon

Lalaki, kinasuhan dahil sa pag-urong sa kasal

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

NAGKAKILALA sina Cindy at Robert sa isang kilalang uni­bersidad kung saan sila parehong nag-aaral. Naging magnobyo sila. Matamis ang kanilang pagmamahalan. Kitang-kita sa relasyon na hahantong sa simbahan at magiging masayang-masaya ang dalawa.

Nagpatuloy ang relasyon nina Cindy at Robert hanggang makagradweyt sa kolehiyo. Natuloy ang engagement at nagplano ng kasal ang dalawa. Ang tradisyonal na pamanhikan ay sinunod. Kumuha ng lisensiya sa kasal. Ang kasal ay tinakda ng Setyembre, isang Sabado sa isang kilalang simbahan. Maganda ang mga imbitasyon na ipinalimbag at ipinadala sa mga kaanak, kakilala at kaibigan ng dalawa. Ang gown ni Cindy, mga damit sa selebrasyon, iba pang damit ng mga abay at flower girl ay binili at inihanda na. Kinontrata na ang isang five-star hotel kung saan gaganapin ang reception ng kasal. Kahit nga ang mismong kama o “matrimonial bed” pati ang lahat ng mga gamit ay binili na. Ngunit, dalawang araw bago ang kasal, nakatanggap ng isang nakababahalang sulat si Cindy mula kay Robert. Sinasabi nito na ipagpaliban muna nila ang kasal dahil sa posibleng pagtutol ng ina ng lalaki. Pero sumunod na araw ay sinabi naman ng lalaki na walang problema at tuloy ang itinakdang kasalan. Sa kasamaang-palad, iyon na ang huling narinig ni Cindy mula kay Robert. Ang pinakaaabangan na kasalan ay nakansela. Sa tindi ng sama ng loob at pagkapahiyang naranasan, kinasuhan ni Cindy at ng kanyang pamilya si Robert para maghabol ng danyos. Makakakuha ba si Cindy ng bayad sa danyos-perwis­yong inabot?

OPO. Ang ordinaryong pangako ng kasal ay hindi naman talaga tatanggapin na kaso sa korte. Walang ma­gagawa kung sakaling hindi ito panindigan. Kaya lang ang ginawa rito sa kasong ito na pormal na pagtatakda ng ka­ sal, magarbong paghahanda at detalyadong preparasyon, pagkatapos ay bigla na lang iiwanan ang kawawang ba­baeng papakasalan sa altar ay ibang usapin na. Kailangang panagutan ni Robert ang lahat ng bayarin at danyos dahil hindi na ito simpleng paglabag sa ating kinamulatang tradisyon. (Wassmer v. Veles 12 SCRA 648.)

CINDY

KAHIT

KAILANGANG

KASAL

KAYA

KINONTRATA

KITANG

KUMUHA

MAGANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with