^

PSN Opinyon

Masaker ng SAF: Naulila nililinlang

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NANG mamahagi si Commander-in-Chief Noynoy Aquino ng medalya sa 44 na nasawing police commandos nu’ng Biyernes, ilang naulilang pamilya ang tumanggi. Merong mga lumayo, merong nanatili sa tabi ng kabaong ng kani-kanilang patay pero hindi tumitingin kay P-Noy.

Hindi lang dalamhati ang nararamdaman ng mga naulila, kundi poot. Sa talumpati sa necrological rites, humingi ng katarungan kay P-Noy ang biyuda ni PNP-Special Action Force Sr. Insp. Ryan Pabalinas. At dapat lang, dahil tila nilasog ng kaaway ang mga bangkay, at ninakawan hindi lang ng armas kundi pati personal na gamit, tulad ng cell phones.

Hindi lang ang mga naulila ang nagngangalit, kundi pati publiko. At hindi lang laban sa kaaway, kundi pati sa administrasyong Aquino. Ito’y dahil sa:

• Mabilis na minaliit nina P-Noy at Interior Sec. Mar Roxas ang masaker bilang ‘‘mis-encounter’’ lang. Parehong termino ang ginamit ng pamunuan ng separatistang Moro Islamic Liberation Front. Tila may kumukumpas sa likod ng entablado. Hindi pa man nagsisimula ang inanunsiyo nilang Board of Inquiry ng mga PNP generals, pinalalabas na nila na nagkamali ang SAF dahil hindi nakipag-coordinate sa AFP o sa ka-ceasefire na MILF. Lalabas at lalabas ang katotohan tungkol sa AFP. Tungkol naman sa MILF, bakit ipapaalam ng SAF ang misyong pag-aresto sa Malaysian terror bomber na kinakanlong ng mga rebelde?

• Naghuhugas-kamay si P-Noy sa alam niyang misyon ng SAF na dakipin sina Malaysian Zulkifli bin Hir Marwan at Pilipino sidekick Basit Usman. Palihim na nasa Zamboanga City si P-Noy buong araw ng Sabado bago mag-jump-off ang SAF nang madaling araw. Umamin pa si SAF head Getulio Napeñas na direkta siyang nakikipag-ugnayan ng plano kay PNP chief Alan Purisima. Suspendido si Purisima nang anim na buwan habang iniimbestigahan sa katiwalian. Maglalakas-loob ba si Napeñas mag-report kay Purisima kung walang go-signal ni P-Noy?

vuukle comment

ALAN PURISIMA

BASIT USMAN

BOARD OF INQUIRY

CHIEF NOYNOY AQUINO

GETULIO NAPE

HIR MARWAN

P-NOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with