^

PSN Opinyon

EDITORYAL - LTFRB, mabagal sa rollback ng pasahe

Pilipino Star Ngayon

HANGGANG ngayon, wala pang nararamdamang ginhawa ang mga sumasakay ng pampaherong bus at taxi. Hindi pa nila nalalasap ang pagbaba ng pasahe kahit maraming beses nang nagbaba ng presyo ang petroleum products. At walang dapat sisihin dito kundi ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB). Sila ang ahensiya na dapat mangasiwa sa pag-rollback ng pasahe. Imagine, naka-18 beses nang nag-rollback ang gasoline at diesel pero hanggang ngayon, hindi pa nagro-rollback kahit singkong duling ang bus at taxi. Ginagawa pa ba ng LTFRB ang kanilang trabaho?

Noong nakaraang Lunes ay nag-rollback na naman nang mahigit P1 ang diesel at gasoline at sa susunod na linggo ay mayroon naman. Sadsad na ang presyo ng petroleum products sa world market pero hindi maramdaman ng mga mahihirap na sumasakay sa bus at taxi. Nag-rollback ng 50 sentimos sa jeepney pero may ilang masiba na drayber na hindi na nagsusukli ng 50 sentimos kapag nagbigay ng P8. Hindi kasi tinututukan ng LTFRB ang mga jeepney driver kung nagpapatupad ng bawas-pasahe ang mga ito.

Lubhang kawawa ang mahihirap na lagi na lamang nalalamangan pagdating sa pagbabawas ng pasahe. At walang ibang dapat sisihin kundi ang LTFRB. Kung ginagawa nila ang trabaho, dapat sana’y nakadakma na sila ng mga jeepney driver na hindi sumusunod sa fare matrix. Pero paano nga makadadakma ng mga masisibang drayber gayung nagpapalamig lang sila sa kanilang tanggapan. Wala silang pakialam kung sumunod o hindi ang mga drayber.

Ang masaklap nito ay kapag muling sumipa ang presyo ng gasoline at diesel. Kapag muling tumaas, talo na naman ang mahihirap. Ang nakinabang lamang ay mga operator ng bus at taxi. Sila lamang ang nag-enjoy ng murang gasoline at diesel.

Maawa naman sana ang LTFRB sa karaniwang mamamayan na kakarampot lang ang kinikita. Nararapat malasap ng mga commuter ang ginhawang bunga ng pagbaba ng petroleum pro-ducts. Kumilos naman sana ang LTFRB.

vuukle comment

GINAGAWA

KAPAG

KUMILOS

LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD

LTFRB

LUBHANG

MAAWA

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with