^

PSN Opinyon

Magpigil sa panggigigil

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

GUSTO ni Pope Francis na mapuksa ang kahirapan sa daigdig. Kaya nga nanawagan siya kay Presidente Aquino na pagtuunan pa ng pansin ang pagsugpo ng katiwalian sa gobyerno upang ang pondo para sa kapakanan ng mga mararalita ay huwag malustay.

Pero hindi lang naman katiwalian ang ugat ng kahirapan. Maraming Pilipino ang walang sawa sa paggawa ng bata kahit hindi na kaya ng lukbutan ang pagtustos sa kanilang mga anak.

Sinabi ni Lolo Kiko  na ang mabuting Katoliko ay hindi dapat magpadami tulad ng mga kuneho o rabbit. Kaso, ang Roman Catholic Church mismo ang tutol sa family planning kaya wala na sigurong paraan para mapigil ang pagdami ng populasyon ng bansa.

Ito ang sinabi ng Santo Papa sa mga journalists na kasama nito sa eroplano pauwi ng Roma matapos ang kanyang 5-araw na papal visit sa Pilipinas.

Nanawagan din si  Pope Francis sa mga Katoliko sa buong mundo na dapat ay maging responsableng ma­gulang sa kanilang mga anak. Anang Papa, hindi porke’t tutol ang simbahan sa mga artipisyal na paraan sa pagpigil ng pagbubuntis ay pinapayagan ang mga Katoliko na mag-anak nang mag-anak.

Ibig sabihin nito, magpigil sa panggigigil.

Ang puna ko lang, kahit labag sa batas ng Katoliko ang  birth control, maraming Katoliko Romano ang gumagamit ng ganitong paraan sa pagpigil ng pagbubuntis: Condom, pills, tubal ligation at kung anu-ano pa.

Masuwerte talaga yung mga pasaherong kasama ng Papa sa eroplano.Well, sayang hindi ako kasama sa eroplano. Masayang makita ang human side ng isang mataas na religious leader na nakikipaghunta, nagpapatawa at nakikipagbiruan sa mga tao.

Kaya naman bagay na bagay ang taguri kay Pope Francis na Papa ng Masa. Uyy… PM ah. Parang sister newspaper natin.

vuukle comment

ANANG PAPA

KATOLIKO

KATOLIKO ROMANO

KAYA

LOLO KIKO

MARAMING PILIPINO

POPE FRANCIS

PRESIDENTE AQUINO

ROMAN CATHOLIC CHURCH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with