^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Kapit-tuko’

Pilipino Star Ngayon

KAPURI-PURI ang ginagawa ng ilang pinuno sa ibang bansa, na hindi naman magawa ng mga pinuno ng Pilipinas. May delikadesa ang mga pinuno sa ibang bansa subalit dito ay wala. Sa ibang bansa, kapag ang isang pinuno ay naugnay sa anomalya at kahit hindi pa napapatunayan, agad na nagbibitiw sa puwesto. Hindi sila “kapit-tuko” sa puwesto. Halimbawa’y sa South Korea, kapuri-puri ang ginawa ng prime minister doon noong nakaraang taon na nagbitiw sa puwesto dahil sa malagim na paglubog ng isang ferry na ikinamatay ng 302 katao, karamihan ay mga estudyante.

Nagbitiw si Prime Minister Chung Hong-won at humingi ng paumanhin sa taumbayan dahil sa nangyaring paglubog ng MV Sewol. Inako niya ang lahat nang responsibilidad at kakulangan ng gobyerno sa mabagal na pagsagip sa mga biktima. Kung tutuusin, dapat ay ang pinuno ng transportation department ang una-unang magbitiw dahil siya ang may direktang kinalaman sa paglubog pero naunahan pa ng Prime Minister.

Isa lamang ang ibig sabihin, may delikadesa ang mga pinuno sa South Korea. Pinahahalagahan nila ang dignidad. Mahalaga sa kanila ang linis ng pangalan. Inaako nila ang pagkakamali. Hindi sila katulad ng ilang pinuno sa Pilipinas na kahit lantaran na ang mga nangyayaring anomalya sa hinahawakang tanggapan ay hindi pa rin mabaklas sa puwesto. “Kapit-tuko’’ ang ilang pinuno sa bansang ito at hindi na tinatablan ng kahihiyan kahit pa umalingasaw ang mga nangyari sa tanggapang pinamumunuan.

Isang halimbawa na lamang ay ang nakahihiyang nangyari sa New Bilibid Prisons (NBP) kung saan nadiskubre ang talamak na drug trade, naipapasok ang mga baril, bala, cell phones, gadgets, equipnment sa pagre-record ng musika. Ang mga convicted drug lord ay mistulang nasa hotel sapagkat may sariling Jacuzzi, aircon, bathtub, sex toy, at iba pang mararang­yang gamit. Mayroon ding bar doon na may masasarap na alak. Nakakumpiska rin nang maraming pera (dollars­), mamahaling bag at mayroon pang counting machines patunay na patuloy ang drug trade.

Pero sa kabila na buking na buking na ang mga nangyayari sa NBP, ang hepe ng Bureau of Cor­rections (BuCor) ay nananatili pa rin sa puwesto. Wala naman daw siyang ginagawang masama kaya bakit magbibitiw.

“Kapit-tuko” siya sa puwesto. Wala nang deli­kadesa at hindi na tinatalaban ng mga batikos. Wala nang kahihiyan.

BUREAU OF COR

KAPIT

NEW BILIBID PRISONS

PILIPINAS

PINUNO

SOUTH KOREA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with