^

PSN Opinyon

Paputok

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

ISANG tulog na lang mga suki at mangangamoy pulbu­ra na naman ang kapaligiran dahil sa firecrackers na pantaboy umano ng masasamang espiritu. Likas na sa ating kababayan ang hindi nakukuntento sa mahihinang putok ng mga labintador kaya  ang pinagbabawal na firecrackers ang gustong pasabugin sa Bagong Taon. Kaya tuloy humahantong sa trahedya na di nila malilimutan habambuhay. Paano’y putol na ang mga kamay at daliri. Hehehe! Ang masaklap pa nito karamihan sa mga nabibiktima ay mga bata na namumulot ng firecrackers dahil na rin sa pagkukulang ng ilang iresponsableng magulang. Sa talaan ng Department of Health, 130 na ang mga naputukan at karamihan sa mga ito ay mga bata na nagsindi ng piccolo. Kayo gusto n’yo bang mapabilang sa kanila na abot-abot ngayon ang pagsisisi?

Siyempre hindi rin pahuhuli ang mga iresponsableng pistolero ng bayan dahil sa report ni PNP spokesman Wilben Mayor umaabot na sa walo katao ang tinamaan ng stray bullet mula noong Disyembre 16. Sa kabutihang pa-lad naging agresibo si Acting PNP chief Leonardo “Dindo” Espina sa paghahabol sa mga iresponsableng gun owner kaya may mga nahuli na sa mga ito. Ngunit sa tingin ko hindi magiging matagumpay ang kampanya ng Philippine National Police kung tayong mga mamamayan mismo ang magbubulag-bulagan at magbingi-bingihan sa New Year’s Eve. Kaya ang panawagan ko mga suki, maging mapagmatyag tayo sa ating kapaligiran, agad na isumbong sa pinakamalapit na police station ang mga nagpapatutok ng baril.

Katulad ng paglantad ng ilan nating mga kababayan sa pagbulgar ng pork barrel scam at hidden wealth na kung saan gumigiling na ngayon sa Ombudsman at Sandiganbayan ang kaso. Kaya ang 2014 ay makulay sa lahat ng nasangkot sa anomalya katulad nila Senate President Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla sa masalimuot na plunder cases na ikinakawing kay Janet Lim Napoles. Si Vice President Jejomar Binay ay may kinakaharap ding hidden wealth anomaly na ang pinag-ugatan ay ang pagtangging humarap sa imbestigasyon ng over price construction ng Makati Parking Building. Si suspended PNP chief Alan Purisima naman ay may kinakaharap ding unexplained wealth katulad na lamang sa San Leonardo, Nueva Ecija at Batangas. Ang artificial na port congestion diyan sa kaharian ni Hugas Kamay BOC Commissioner John Sevilla, ang walang katapusang sira ng mga bagon at riles ng Metro Rail Transit ni Jun Abaya at ang walang patid na rice smuggling isyu kay DA secretary Alcala. Ilan lamang iyan sa mga naibulgar sa 2014 at aabangan sa paggulong ng hustisya sa 2015. Happy New Year mga suki!

 

ALAN PURISIMA

BAGONG TAON

BONG REVILLA

COMMISSIONER JOHN SEVILLA

DEPARTMENT OF HEALTH

HAPPY NEW YEAR

HUGAS KAMAY

JANET LIM NAPOLES

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with