‘Kalusugan sa Pasko’
KALIWA’T KANAN ang gastos ngayong pasko. Pang aginaldo sa mga inaanak at pang handa sa Noche Buena.
Paano itatawid ang pasko kung kasama sa budget mo ang mga gamot na kailangan inumin para sa iyong karamdaman?
Ito ang problema na laging hinaharap ng 61 taong gulang na si Fedelino Botones, tuwing magpapasko.
Minsan lang ito sa isang taon pero hindi naman pwedeng bawasan ang budget para sa mga gamut niya sa sakit nitong diabetes.
Lalo na sa panahon na maraming pagkain ang nakahain na mamantika at matatamis.
Taong 1989 nang malaman ni Fedelino na siya ay diabetic. Simula noon maraming pagkain ang ibinawal sa kanya ng doktor. Maraming synthetic na gamot din mula sa botika ang iniinom niya upang mapanatiling normal ang lebel ng kanyang blood sugar.
Sa halip na mapagaling siya ng mga gamot na ito, nagdulot pa ito ng maraming komplikasyon, unti-unting nasira ang kanyang internal organs o laman loob.
“Na-operahan ako sa lapay, lahat ng sakit ko nakuha ko sa diabetes na yan,” kwento niya.
Kinailangan niyang sumailalim dialysis dahil sa mga komplikasyon.
“Ang hirap, ang dialysis pang habambuhay na, san ko naman kukunin ang perang ibabayad ko para doon?” ani Fed.
Dagdag niya, matinding pananakit ng katawan ang kanyang naranasan. Nahirapan siya kumilos dahilan upang hindi niya magawa nang maayos ang kanyang trabaho. Apektado pati ang kanyang kinikita.
Ito rin ang dahilan ni Diosdado Santos, 64 taong gulang, isang karpintero at may problema sa pag-ihi.
Naalarma siya nang makaranas siyang umihi ng may bato, anim hanggang pitong beses itong nangyari kaya naisipan na niyang magpatingin sa doktor.
Doon napag alaman na maryoon siyang inpeksiyon sa daluyan ng ihi, Malaki umano ang kailangang pera upang magamot ito kaya sa tuwing mararamdamam muli ang sakit ay tinitiis niya ito.
“Pag may pukpok may pera, pag walang pukpok walang pera… lalo na tuwing magpapasko, walang gaanong gawa kasi nagtitipid ang mga tao,” kwento ni Diosdado.
Para naman kay Suelina Pastor, 67 taong gulang at may skin ulcer, gagawin niya lahat gumaling lamang ang sugat niya sa paa.
Pinatingnan niya ito sa doktor at lahat ng nireseta sa kanyang gamut ay binili niya.
“Lahat naman ng gamot iniinom ko, unti-unting gumagaling pero ang hirap. Namamanas ang paa ko at kumikirot,” pagsasalarawan ni Suelina.
Patuloy ang pagbili niya ng mga gamot hanggang sa inirekominda sa kanya ng kanyang kapatid ang REH King’s Herbal na nakakapagpabilis umano ng paggaling ng mga karamdaman.
Ayon sa kanya noong una ay hindi pa siya kumbinsido na subukan ito, pero dahil ang mga sangkap nito ay mula sa mga ugat ng medicinal plants, namili na rin siya ng ilang bote at ininom.
Pagkatapos ng ilang bote, naramdaman na niya ang bisa nito.
“Nakita ko yung sugat ko may pagbabago, natutuyo na ang gilid nito. Nabawasan na rin ang pag kirot nito at pamamaga,” aniya.
Naramdaman din umano kaagad ni Fedelino ang magandang epekto ng food supplement na ito sa kanya.
“Hindi ko na naramdaman yung pangangatal at pananakit ng katawan ko,” sabi ni Fedelino.
Ayon sa kanya, simula noon naging parte na ng kanyang pagpapagaling ang pag inom ng REH King’s Herbal.
Para naman kay Diosdado, ito ang sagot sa kanyang problema. Hindi na niya kailangang tiisin ang sakit dahil ito na ang magsisilbing gamot niya.
“Pasok kasi sa budget, kaya hindi na ako nag dalawang isip na subukan,” aniya.
Kwento niya, gumaan na ang kanyang pakiramdam at hindi na ulit siya umihi ng may bato.
Nagtatrabaho tayo upang magampanan ang ating mga responsibilidad. Upang matupad natin ito, kelangan natin ng malusog na pangangatawan. Mahalaga na protektahan natin ang ating sarili mula sa mga sakit, hindi naman gastos maituturing ang pagbili ng mga gamot na makakapag palakas sa ating resistensiya.
Sa usapin ng kalusugan huwag nating titipirin ang ating sarili dahil mas malaking gastos kung magkakaroon tayo ng malubhang sakit. Hindi lang naman tayo ang mahihirapan kundi pati ang mga taong nagmamahal sa atin.
Magandang regalo din sa sarili ang malakas na pangangatawan.
Para sa mga nais magtanong sa iba pang detalye tungkol sa REH King’s Herbal maaari niyo silang matawagan sa numerong 225-2025 o magtext sa 09087766666 at 09278888368.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol dito maaari po kayong dumalo sa kanilang seminar tuwing Sabado alas-dos ng hapon sa kanilang tanggapan sa #603 R&J bldg., Quirino Highway, Bagbag, Novaliches doon ay makikita niyo si Ka Rey Herrera ang taong nasa likuran nitong herbal supplement. Maaari ring bisitahin ang kanilang facebook page i-type lang ang [email protected].
(KINALAP NI I-GIE MALIXI)
SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landlines 6387285 / 7104038.
Ugaliing makinig ng CALVENTO FILES sa radyo, ang “Hustisya Para Sa Lahat” Lunes-Biyernes, 3:00PM-4:00PM at Sabado 11:00AM-12:00NN. Ang programang “PUSONG PINOY” na umiere naman tuwing Sabado, 7:00-8:00AM at makinig rin kayo ng programang “PARI KO” tuwing Linggo. Mula 9:30-10:30PM kasama sina Fr. Jojo Buenafe, Fr. Jason Laguerta at Fr. Lucky Acuna dito lang sa DWIZ882KHZ, Am Band.
Hotlines: 09213263166, 09198972854
Tel. Nos.: 6387285, 7104038
- Latest