^

PSN Opinyon

Security nightmare sa pagbisita ng Papa

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NANINIWALA ako na isang security nightmare ang magiging­ pagdalaw sa bansa sa Enero 15-19. 2015 ni Pope Francis.

Masyadong outgoing ang Papa at kampante’t walang takot kung makisalamuha at makipagkamay  sa mga taong­ bumabati sa kanya.  Maging ang kanyang sasakyan na gagamitin sa paggalugad sa mga lugar na kanyang pupuntahan­ ay mistulang bukas na karosa.

Alam naman natin na bilang bansang Katoliko, laging milyun-milyon ang taong bumubuhos para salubungin ang mga dumadalaw na Papa sa bansa.

Kaya puspusang ang mga security preparation na inihahanda para sa kanya ng pulisya at maging ang Bureau of Immigration (BI) ay nakaalerto laban sa mga dayuhang terorista na maaaring makapuslit sa bansa.

Nagbigay ng katiyakan ang BI na  walang makalulusot na foreign terrorist sa bansa  kaugnay ng  kanilang paghahanda sa pagdating  ng Santo Papa.

Ang paniniyak ay ginawa ni  Immigration Commission  Siegfred Mison na nagsabing bumuo na ng task force na mangangasiwa sa pagbisita ng  Santo Papa.

Pero may kasabihan na mahirap pigilan ang isang determinadong salarin. Mahirap ding tukuyin kahit ng pinakamatinik na intelligence system ang plano ng mga terorista dahil alam natin na palaging surpresa ang pag-atake ng mga iyan.

Ayon kay Mison, Oktubre pa inumpisahan  ng task force ang kanilang paghahanda kabilang na ang planning, service training para sa mga personnel ng task force at survey inspection sa mga lugar na pagdarausan ng aktibidad ng Papa.

Mas makabubuti na ang Papa mismo ang pagpayuhang huwag lubhang tiwala sa kanyang pakikisalamuha sa mga tao para na rin sa kanyang sariling seguridad. Ngunit naniniwala naman ako na sa dinamidami ng mga Katolikong  nagmamahal sa Papa ay sila na mismo ang magsisilbing pananggalang ng huli sa ano mang masamang tangka ng mga terorista.

vuukle comment

ALAM

BUREAU OF IMMIGRATION

IMMIGRATION COMMISSION

PAPA

POPE FRANCIS

SANTO PAPA

SIEGFRED MISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with