^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ang palpak na ‘Oplan Isnabero’

Pilipino Star Ngayon

KUNG ang Philippine National Police (PNP) ay bigo na mahuli agad ang mga taxi driver na holdaper at rapist, mas lalo namang bigo at palpak ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makapagsampol ng mga taxi driver na namimiling magsakay ng pasahero lalo ngayong holiday season. Ang LTFRB pa mismo ang nagbansag sa mga taxi driver na “isnabero” dahil nga ayaw ng mga ito na magsakay ng pasahero lalo kung ang pupuntahan ay matrapik o malayo. At naglunsad pa nga ng “Oplan Isnabero” ang LTFRB para nga raw bantayan ang mga drayber na tumatanggi sa kanilang pasahero. Pero malaking kapalpakan ang kampanyang ito sapagkat mula nang ilunsad ng LTFRB hanggang ngayon ay wala pang napaparusahan na isnaberong taxi driver. Isang ma-laking kabiguan sapagkat hanggang ngayon, patuloy ang hindi magandang gawain ng mga taxi driver na tumatangging magsakay ng pasahero.

Lubhang kaawa-awa ang mga pasahero na tinatanggihan ng mga taxi driver. Lalo pa ’yung maraming dala-dalahan at hindi malaman kung paano sasakay. Karamihan sa mga ito ay mga taxi na umiikot-ikot sa mga mall at nag-aabang ng pasahero. Pero mayroon silang pinipili. Kapag sinabi ng pasahero sa taxi driver ang lugar na pupuntahan, tumatanggi na ito. Katwiran ay masyadong matrapik sa lugar. Pero may pasubali rin ang driver na kung dadagdagan siya ng bayad ay ihahatid din niya. Meron din namang driver na hindi na raw niya ibababa ang metro at magsasabi ng halagang ibabayad ng pasahero. Take it or leave it. Mayroon namang taxi driver na talagang lantaran kung makatanggi sa pasahero lalo na kung may kasamang mga bata ang pasahero. Ayaw daw masukahan o mataehan ang kanyang taxi.

Walang ginagawang aksiyon ang LTFRB laban sa mga taxi driver na tumatangging magsakay ng pasahero. Pakitang tao lamang ang sinasabi nilang kampanya laban sa mga pasaway na driver. Hanggang ngayon, maraming pasahero ang tinatanggihan at lantaran pa sa mga mall. Palpak ang kampanya ng LTFRB sapagkat wala silang nahuhuli. Paano makakahuli ng mga isnabero, gayung kukuyakuyakoy sila sa aircon nilang tanggapan.

 

AYAW

DRIVER

FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LAND TRANSPORTATION

OPLAN ISNABERO

PASAHERO

PERO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TAXI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with