^

PSN Opinyon

Purisima, bad example

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MARAMI ang natuwa sa desisyon ng Ombudsman na gawaran ng preventive suspension na anim na buwan si Purisima habang sinisiyasat sa kaso laban sa kanya na may kinalaman sa anomalya sa delivery ng mga lisensya ng baril sa mga kinauukulan.

Ngunit sa kabila ng suspensyon, tila malamig ang Malacañang sa pagtatalaga ng makakahalili niya kahit pansamantala. Katunayan, napilitan si Purisima na paigsiin ang kanyang paglalakbay sa ibang bansa at nagbalik sa kanyang opisina sa Philippine National Police (PNP). Sino ba ngayon ang  nagpapatakbo ng PNP?

Gayunpaman, siniseguro ni DILG Sec. Mar Roxas na handa ang kanyang tanggapan na ipatupad ang suspensyong ipinataw sa hepe ng PNP. Dapat lang at kailangang magtalaga na ng isang matinong leader para mamuno sa PNP na wasak na wasak na ang reputasyon dahil ang katiwalian ay mula itaas hanggang ibaba!

Impresyon kasing nakakintal sa isip ng taumbayan na “fair-haired boy” ng Presidente si Purisima at sa kabila ng kabi-kabilang mga akusasyon dito ay parang nagwawalang-kibo ang Palasyo.

Sa palagay ko,  kung ano ang nakikita ng mga pulis na may mababang ranggo sa kanilang hepe ay siya nilang ginagaya. Kaya naman tila lalung nagiging talamak ang mga pangongotong at hulidap na ginagawa mismo ng ilang alagad kuno ng batas na dapat sana’y protektor ng taumbayan. Hindi lang iyan. Pati mga traffic enforcers na hindi naman pulis ay nakakapulot na rin ng masamang estilo sa pangongotong mula sa mga pulis.

Ayon kay Roxas, nag-report na siya sa Pangulo tungkol sa nasabing isyu at executory ang utos ng Ombudsman. Tingnan natin ang magiging desisyon ng Pangulo na lagi na lamang nasa likod ni Purisima sa kabila ng mga pangit na alegasyon.

Ani Roxas, kung papalitan si Purisima ay masusunod ang chain of command na dito’y ang susunod na pinakamataas kay Purisima ay si Gen. Felipe Roxas. Pero dahil ito’y paparetiro na rin, ang ikatlong pinakamataas na opisyal ay si General Leonardo Espina.  Sana’y huwag nang patagalin pa. At kung ako si Purisima, kung may delicadeza ako ay magbibitiw na lang ako antimano sa tungkulin.

vuukle comment

ANI ROXAS

FELIPE ROXAS

GENERAL LEONARDO ESPINA

MAR ROXAS

PANGULO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PURISIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with