^

PSN Opinyon

Molotov bomb

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NOONG Huwebes, nagulantang at naalimpungatan ang mga tutulog-tulog na pulis sa Manila Police District Headquarters sa United Nation Avenue, Ermita, Manila. Paano kasi, tinangkang pasabugin ng isang naburyong na dating police asset ng District Anti-Illegal Drugs na si Benjamin Maurillo ang headquarters matapos na hindi maibigay ang parte nito sa drogang kanyang inginuso. Hehehe! Armado ng molotov bomb nang dambahin ng mga pulis si Maurillo na akma nang sinisindihan ang naturang pampasabog. Natuklasan lamang ang masamang balakin ni Maurillo ng mapansin ito ni Richard (Goma) de Guzman caretaker ng MPD Press Corps ang  boteng hawak na sinisindihan. Kaya simbilis ng kidlat na humingi ng tulong si Goma sa mga police sa main gate ng headquarters at doon na dinumog si Maurillo. 

Napag-alaman pa na ang ginawang molotov bomb ay nanggaling sa mga sinambot na gasolina sa mga recovered motorcycle ng AnCar na nakaparada sa harap ng headquarters. Kaya nang madamba si Maurillo ay nagpupumiglas at nagsisisigaw ito na police asset siya na nais lamang na makakuha ng kanyang parte sa itinugang droga. Nag-ugat din umano ang pagkaburyong ni Maurillo matapos na makatanggap ng death treath sa mga pulis DAID na ikinanta niya. Kaya sa ngayon todo higpit na naman ang ipinaiiral ni Acting MPD Director SSupt. Rolando Nana sa loob ng headquarters. Maging si Anti-Carnapping Division chief CInsp. Francisco Vargas ay agarang umaksyon at ipinasimot lahat ang mga gasolina ng mga tangke sa nakaparadang recovered vehicles upang manumbalik ang pagkukuyakuyakoy este maging safety ang mga pulis sa headquarters.

Samantala puspusan na ang paghahanap sa drayber  ng Nissan Urvan na may plakang WOW-232 at isa pang lalaki na nakunan ng CCTV sa Quiapo, Manila noong November 27 na tangkang kumidnap sa limang estudyante. Natukoy ito ni Vargas matapos na isuko ang Nissan Urvan na kulay puti noong Huwebes ng madaling araw. Mabuti pa itong si Vargas ay kumikilos sa naturang insidente samantalang ang hepe ng MPD-PS-3 na si Supt. Aldrin Gran ay kukuyakuyakoy lang sa kanyang malamig na opisina. Mukhang balewala lang sa kanyang pangyayari dahil wala man lamang akong natatanggap na follow-up report mula kay Gran mapahanggang ngayon. Hehehe!

Paano ang alam lamang nito ay ang bumuska sa mga reporter na bumabanat sa kanyang kapabayaan. Ewan ko lang kung hanggang kailan ang pamamayagpag at buwenas nitong si “Small But Teribble” Col. Gran sa kaharian ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada. Kung sabagay hindi naman lingid sa mga Manileños ang kapalpakan nito sa kampanya laban sa droga, abortion pills, street crimes at illegal vendors sa kanyang nasasakupan. Putok na putok kasi na ang inaatupag nito ay ang koleksyon na nagpapataba sa kanyang bulsa.  Kailan kaya ma-one strike si Gran ni  SSupt Nana? Malinaw na kulang ang police deployment nito sa Quiapo nang mangyari ang tangkang pangingidnap sa limang kabataan.Di ba mga suki!  Abangan!

ALDRIN GRAN

ANTI-CARNAPPING DIVISION

BENJAMIN MAURILLO

FRANCISCO VARGAS

GOMA

HEHEHE

KAYA

MAURILLO

NISSAN URVAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with