^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Mataas na multa sa magbebenta ng substandard X’mas lights

Pilipino Star Ngayon

MALIIT lang pala ang multa sa mga gumagawa, nag-iimport at nagtitinda ng substandard na Christmas lights --- P300,000 lang. Sa laki nang kinikita ng mga gumagawa at nagbebenta ng palpak na Christmas lights, balewala ang P300,000.

Kung matutupad ang balak ng Department of Trade and Industry (DTI) na gawing isang P1-milyon ang multa, maaaring mabawasan o mawala na ang mga takaw-sunog na Christmas lights sa mga tindahan sa Divisoria, Carriedo, Avenida, Cubao, Baclaran at iba pang lugar sa Metro Manila. Ayon sa DTI, masyadong mababa ang kasalukuyang multa kaya hindi masawata ang paggawa at pagbebenta ng mga substandard Christmas lights. Ayon pa sa DTI, taun-taon ay dumarami ang mga substandard na Christmas lights na ibinibenta at patuloy din namang tinatangkilik ng mamamayan dahil mura ang mga ito. Ang mga takaw-sunog na Christmas lights na may 50 bulbs ay ibinibenta ng P45 bawat bungkos o 3 for 100. Murang-mura kaya pinuputakte ng mamimili.

Ayon sa DTI, noong nakaraang taon, nasa P1.3 milyong halaga ng mga depektibong Christmas lights ang kanilang nasamsam. Ngayong taon ay mas marami pa umano ang kanilang nasamsam. Ang lahat nang kanilang nasamsam ay dinurog lahat noong Martes para hindi na mapakinabangan. Ginanap ang pagdurog sa bakuran ng DTI. Nasa 10,334 sets ng Christmas lights ang pinadaanan sa pison.

Maganda ang panukala ng DTI na taasan ang multa ng mga mahuhuling gumagawa, nag-iimport at nagbebenta ng mga depektibong Christmas lights. Pero sigurado bang mai-implement ito? Lahat nang mga takaw-sunog na Christmas lights ay Made in China o Made in Taiwan. Paano pagmumultahin ang importer gayung ang mga ito ay ipinapasok nang illegal sa bansa. Dapat ang mga nasa Customs ang kasuhan dahil sila ang nagpapabaya kaya nakakapasok ang mga palpak na Christmas lights.

Paigtingin ang kampanya sa pagsamsam sa mga Christmas lights para wala nang maibenta sa mga tao. Delikado ang mga ito kapag patuloy na naibenta. Mitsa ito ng sunog. Ang mga substandard Christmas lights ang naging sanhi nang maagang pagpanaw ng anak na babae ni dating House Speaker Jose de Venecia noong Disyembre 17, 2004.

Matuto sana ang lahat sa nangyari. Huwag isapalaran ang buhay sa mga substandard na Christmas lights.

AYON

BACLARAN

CARRIEDO

CHRISTMAS

CUBAO

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

HOUSE SPEAKER JOSE

LIGHTS

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with