^

PSN Opinyon

Pumapatay ng rare birds, makukulong

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MABUTI’T nahuli agad ang isa sa tatlong lalaki na pumatay ng rare na ibon sa U.P.-Diliman campus nu’ng nakaraang Linggo. Umamin ang salarin sa krimen laban sa kalikasan. Kaya lang, hindi siya pinangalanan ng U.P. officials; dinala lang siya sa Dept. of Environment and Natural Resources para usisain, tapos pinakawalan habang iniisip ang isasakdal sa kanya. Dapat, pina-TV news man lang nila ang takaw-tingin na salarin. Mainam na parusa ang mabilisang pagpapahiya sa madla, kaysa matagalang paglilitis.

  “Takaw-tingin” ang salarin dahil hindi naman siya patay-gutom. Maayos ang bihis nilang tatlo, may mga kagamitang pang-hunting, at makinang na jungle bolo. Kung bakit hinayaan ng U.P. Police Dept. na gagala-gala sa campus ang isang may armas ay dapat nilang panagutan.

Ang pinatay ng tatlo ay Black Bittern (Dupetor flavicollis). Parang tikling, mailap ito at manaka-naka na lang nakikita sa mundo. Pugaran ng ibon na ito ang U.P. Lagoon, manmade na lawa na napapaligiran ng malalaking puno. (Isa ako sa mga aktibistang nagtanim ng puno doon nu’ng 1972.) Bawal mag-hunting at puma­tay ng rare wildlife.

Maalalang binaril ng grupo ng hunters ang isang rare Philippine Eagle nu’ng 2013 sa Kitanlad Reserve. Ni-litson nila ang ibon miski nakita na meron itong pulseras na bakal, ibig sabihin ay bilang ng gobyerno. Nahuli ang mismong bumaril, sinakdal, at sinentensiyahan nang 12 taon pagkakulong. Buti nga sa kanya: Takaw-tingin kasi.

Dapat hulihin at ikulong din ang mga nangangaso, nagbebenta, o pumapatay ng ibon na myna at pikoy, isdang mameng at butanding, reptiles na higanteng sawa at buwaya, at mammals na balyena at tamaraw. Mga rare din ito, at ang patuloy na pag-ubos sa kanila ay maaring mauwi sa extinction.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

 

vuukle comment

BAWAL

BLACK BITTERN

BUTI

DAPAT

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

KITANLAD RESERVE

PHILIPPINE EAGLE

POLICE DEPT

TAKAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with