^

PSN Opinyon

Toby vs 2 senators

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PARA kay Rep. Toby Tiangco, estilong mafia kung maka­asta sina Senador Antonio Trillanes at Alan Peter Caye­tano. Iyan din ang impresyon ng ilang nakakahuntahan ko. Sa isang hearing ng kanilang committee kamakailan, bigla na lang pinatayan ng mikropono si Tiangco at ang kapwa niya UNA official na si JV Bautista noong nakaraang linggo. Kulang na lang ay ipakaladkad ng dalawang senador sina Tiangco at Bautista palabas ng Senado.

Anang kumpare kong nag-oobserba sa drama sa Senado, nag-uumapaw na ang pagiging lasing sa kapangyarihan nina Trillanes at Cayetano na malinaw naman na may political agenda na ibagsak si Binay sa pagiging topnotcher sa survey.

Sina Tiangco at Bautista ay inimbita mismo ni Caye­tano na dumalo sa naturang pagdinig noong Oct. 8 para bigyan daw ng tsansa ang mga kaalyado ni Binay na magsalita. Ito ang rason kung bakit gigil na gigil si Tiangco. “Walang palabra de honor” si Cayetano, sabi bulalas ni Tiangco.

Kung pinakinggan lang ng komite ang gustong sabihin nina Tiangco at Bautista, e di sana’y nalaman nila na ang dalawa ay binigyan ng awtorisasyon ni Binay para magsalita sa kanya. Ang kaso, agad nag-init ang ulo ni Sen. Trillanes at mukhang natakot naman si Cayetano sa mga pwedeng ilahad ni Tiangco at Bautista sa madla kaya hindi nila pinagsalita ang dalawa.

Naikikintal sa isip ng madla tuloy na mukhang prosti­tuted na ang Senado. Na “gamit na gamit ito nina Caye­tano at Trillanes” na sukdulan na ang pangbebengga kay Binay kahit hindi naman tatayo sa korte ang mga ebidensya daw nila. At mukhang nagsisilbing protective umbrella ang Senado ng mga kaalyado ng administrasyon na kahit nasasangkot sa mga iskandalo ay hindi naman iniimbestigahan. Sacred cows e!

 Tamang-tama ang dalawang nobela ni Rizal sa nangyayari sa Se­nado. Kapag kalaban ka sa opo­sis­yon tulad ni Binay, Filibustero ka! Pero kapag sabit ka sa anomalya, Noli Me Tangere o “huwag mo ako salingin” ang treatment sa iyo.

Double standard of justice ang tawag diyan, sabi ng kumpare ko.

vuukle comment

ALAN PETER CAYE

BAUTISTA

BINAY

CAYETANO

NOLI ME TANGERE

SENADO

SHY

TIANGCO

TRILLANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with