^

PSN Opinyon

Bakit ba?

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Bakit ba sa bansa ay maraming gulo

killer at holdaper naglipana rito?

Alagad ng batas laging natatalo

kaya ang kawawa tayong Pilipino?

 

Bakit ba ang ating mga mamamayan

sa kaunting kita di nasisiyahan?

Palibhasa kasi ay napagmamasdan

sila’y nagdurusa iba’y yumayaman?

 

Bakit ba maraming kontra sa gobyerno

at hindi malipol masasamang tao?

May mga tulisan, NPA at Abu

na namiminsala sa lahat ng dako?

 

Bakit ang kakampi ng pamahalaan

ang siya pang una na kumakalaban?

Mga pulis nating dapat ay huwaran

ay kriminal ngayon at nagpapayaman?

 

Bakit ba ang ating mga pulitiko

pinababayaan mahirap na tao?

Ang pangako nila na pabahay nito

ngayo’y sadlak pa rin sa tabing estero?

 

Bakit ba ang ating mga kabataan

hindi na natuto ng magandang asal?

Sa maraming dako mga mag-aaral

ay inaabuso saka pinapatay?

 

Bakit ba maraming naghihirap dito

gayung halos lahat may mga trabaho?

Sa trabaho nila sila’y nanloloko

kaya itong bansa di umaasenso?

 

Bakit ba sa bansa pag may kalamidad

mga nasalanta’y di tulungan agad?

Tulong ng gobyerno sa sinawimpalad

kakarampo’t ito’t saka inaamag?

vuukle comment

ALAGAD

ATING

BAKIT

MARAMING

PALIBHASA

PILIPINO

TULONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with