^

PSN Opinyon

Kotong

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

EWAN ko kung alam ni Bureau of Customs “Hugas Kamay” Commissioner John Sevilla at Philippine Port Authority Gene-ral Manager Juan Sta. Ana na habang tumataas ang kamada ng mga container sa port ay tumataas naman ang “kotongan”. Ayon sa mga nakausap ko sa pier nasa P1,000 hanggang P2,000 ang lagayan sa mga tauhan ng shipping lines sa pagsauli ng empty container  sa Manila South Harbor, Manila International Container Port at Harbour Center.  Pinaiiral daw ang kuta sa loob ng shipping yards upang mabawasan ang port congestion. Napag-alaman ko na kaya naman pala abot langit ang kotong ng shipping lines ay dahil ini-exclusibo ng mga malalaking kompanya o importers ang kuta ng yarda  sa pagsasauli ng mga empty container. Kaya kung  pangkaraniwang brokers/importers  ang magsasauli  ay itinuturo sa Bulacan at Cavite,  natural na doble hanggang triple ang gastusin sa trucking fees. Subalit hindi imposible kung kaya ang tara ng tiwaling shipping lines collectors dahil ang kalakaran ngayon nasa P2,500 hanggang P5,000 bawat container hehehe! Kaya naman pala humahapay na sa taas ang patong ng mga container van dahil lahat pala ay puwedeng itambak kapalit ng datung. Matatanaw ang taas ng patong ng mga container kapag nasa Delpan Bridge kayo mga suki!

Ngunit dedma lang ito kina Hugas Kamay John Sevilla at Atty. Sta. Ana, dahil nag-aantay pa sila na gumuho at ma­ka­disgrasya ng mga obrero sa pier. Habang tumataas ang kamada ng mga container van sa pier ay tumataas naman ang umbok ng kanilang bulsa mula sa padulas ng shipping lines companies. Ang masakit unti-unti nang bumababa ang taxes collection sa port Congestion dahil nagpipista rito ang smuggler. Paano kasi ginagamit ng mga smuggler itong artipisyal na Port Congestion upang  malansi si Deputy Commissioner Jessie Dellosa. Kaduda-duda umano itong kalatas ni Hugas Kamay Sevilla na bukas ang kanilang ahensya kung Sabado at Linggo  para mailabas ang mga kargamento gayong ang mga banko ay sarado. At tuwing Lunes hanggang Biyernes naman ay tanghali na kung pumasok ang kanilang mga kawani sa mga opisina subalit ang banking hours ay hanggang 3 pm, kaya imposible na mapadali ang pag-proseso ng mga kargamento. Isang nagngangalang “Abu” sa computer department  ni Dellosa ang pamato ng smugglers sa paglabas ng kanilang shipment. Kaya ang mabuting gawin nina Hugas Kamay Sevilla at Atty. Sta. Ana ay obligahin ang shipping lines companies na hakutin ang empty containers at ibalik sa Port of Origin. Kailangan pa bang si P-Noy ang kumumpas ng kinakalawang na kamay na bakal upang maisulong ang tuwid na daan?

 

COMMISSIONER JOHN SEVILLA

CONTAINER

DELPAN BRIDGE

DEPUTY COMMISSIONER JESSIE DELLOSA

HARBOUR CENTER

HUGAS KAMAY SEVILLA

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with