^

PSN Opinyon

Binay at Purisima, resign!

- Roy Señeres - The Philippine Star

IBANG klase sina Vice President Jojo Binay at PNP chief Alan Purisima. Hindi lang bulsa ang makakapal kundi pati mga mukha. Ano ba ang akala ng dalawang ito sa mga Pilipino, mga mangmang? Napakaliwanag pa sa sikat ng araw ang mga “ibidins” ng kanilang plunder ngunit tanggi pa rin sila nang tanggi na parang mga juvenile delinquent na kahit nahuli na ang mga kamay na sumisikwat ng cookies sa cookie jar ay nangangatwiran pa rin na hinihipo lang nila at wala silang balak kainin ang cookies. 

Ang analohiya naman ng driver kong si Alex ay iba. Sina Binay at Purisima raw ay parang mga mister na huling-huli na sa akto ng kanilang mga maybahay na may katalik na ibang babae pero buong katapangan pa rin ng mga apog na hinarap ang kanilang mga maybahay at sinabihan ng “Dear hindi ako ito”.

Sa liwanag ng mga katibayan ng plunder laban sa dalawang mga hunyangong ito, hindi malayong magsama-sama sila sana sa lalong madaling panahon nina Gloria Macapagal Arroyo, Juan Ponce Enrile, Bong Revilla, Jinggoy Estrada at tiyak marami pang mga susunod na iba sa piitan.

Sang-ayon sa reports ng World Bank, 30% daw ng taunang budget ng Pilipinas ay napupunta lang sa massive graft and corruption sa halip na ginagasta para sa mga imprastraktura na lilikha pa sana ng milyones ng mga trabaho. Kung hindi dahil sa mga bulok na lider ng bansa,hindi na sana umabot pa ng milyones ang OFWs na nagpapa-alipin sa ibang bansa dahil sa kawalan ng job opportunities sa Pilipinas.

Kaya mga kababayan, kung kayo ay jobless, underemployed, contractual, casual, mangingisda o magsasaka na walang asenso sa buhay, wala kayong dapat sisihin kundi ang malalaking kawatan sa ating lipunan. Gising na bayan! Huwag na kayong magpadala sa mga slogan tulad ng: “Ganito kami (mangurakot) sa Makati” o di kaya “ Mr.Palengke” o “ Mr. Shopping Mall”  kung saan hinahayaang lumaganap ang salot na kontraktuwalisasyon.

vuukle comment

ALAN PURISIMA

BONG REVILLA

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

JINGGOY ESTRADA

JUAN PONCE ENRILE

MR. SHOPPING MALL

PILIPINAS

SINA BINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with