^

PSN Opinyon

Ebidensya lumalakas

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA pananaw ng madlang tao, lumalakas ang ebidensya  laban kay Vice Pres. Jojo Binay kaugnay ng alegasyong overpricing ng car park building sa Makati nang siya ay alkalde pa. Marami kasing nagsusulputang testigo na mukhang very reliable.

Dangan kasi, paulit-ulit niyang inisnab ang imbitasyon ng Senado para doon niya ipaliwanag ang kanyang panig.

Paulit-ulit ang mga mungkahi na makabubuting sa Senado siya humarap at mag-eksplika dahil Senado ang nag-aakusa.

Sa huling pagdinig sa Senado, tatlong bagong testigo ang lumutang laban kay Binay. No-show rin sa Binay sa kabila ng paanyaya ng Senado. Naunang isiniwalat ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano na isang contractor ang magpapatotoo sa “moro-moro” na bidding para sa P2.3 B Makati Parking Building. Noon ngang nakaraang Huwebes pormal na humarap sa pagdinig ang kinatawan ng J. Bros Construction. Ani Alejandro Tengco, opisyal ng naturang kompanya, mula pa noong 1999 hanggang ngayong taon ay hindi sila sumali sa bidding sa anumang infrastructure projects ng Makati pati na sa kontrobersyal na parking building. Ngunit sa record ng lungsod, ang J. Bros ang pumangalawa sa nanalong contractor na Hilmarcs Construction sa ginawang bidding.

Nag-testimonya rin si former Makati Councilor Ernesto Aspilliaga, at sinabing hindi lamang sa infra projects nangyayari ang “bidding-biddingan” kundi pati sa supply contracts ng lunsod. Aniya, ang purchase request mula sa opisina ng noo’y mayor na si Binay ay may kasamang “note” para sa BAC na nagsasabi kung sinong contractor o supplier ang “mananalo.” Umamin si Aspilliaga na may natatanggap siyang buwanang allowance mula kay Binay, na mula P70,000  na kung minsa’y umaabot ng halagang P500,000.

Tumestigo rin si Jose Orillaza,  dating head ng Omni Security Investigation and General Services, na isang dummy company daw ni Binay at nakakopo ng security at janitorial services ng Makati. Ani Orillaza, bagama’t wala sa “papel” ng kumpanya si Binay at maging ang finance officer ng huli na si Gerry Limlingan, ang dalawa naman ang nasusunod pagdating sa operasyon ng Omni. Mabigat ang mga ebidensya at akusasyon. Iyan ang impresyon ng tao na tila hindi matanggap ni VP Binay. Sabi nga ng barbero kong si Mang Gustin, ang salaring nahuling nagkasala kailanman ay hindi aamin kahit patayin.

ANI ALEJANDRO TENGCO

ANI ORILLAZA

B MAKATI PARKING BUILDING

BINAY

BROS CONSTRUCTION

GERRY LIMLINGAN

HILMARCS CONSTRUCTION

MAKATI

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with