^

PSN Opinyon

2 Kongresista lihim na nagpakasal

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SECRETLY LOVE, kaya naman nagpakasal last Sept. 9, 2014 sa isang 5 - star hotel sa temakats sina Las Piñas Rep. Mark Villar, anak nina dating Senator Manny Villar at incumbent Senator Cynthia Villar at siempre ang bride ay si Diwa party-list Rep. Emmeline Yan Aglipay, anak ni dating CPNP Edgar Aglipay at Marinette Yap matapos magkaroon ng isang simpleng seremonya at ikasal ng isang Huwes.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa October 1 ang church wedding ng newly wed at sa isang simbahan sa Singapore ito gagawin.

Ika nga, Best Wishes at Congratulations sa inyong dalawa!

Mabuhay kayo at sana magkaroon kayo ng mara­ming anak.

Abangan.

NAIA isasapribado

ALAM ninyo bang balak ng gobierno na ibigay ang operation at maintenance sa isang pribadong sector na magwawagi sa pasubasta ng DOTC  para patakbuhin o pamahalaan ang Ninoy Aquino International Airport.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Baka drawing?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may ilang bright people ngayon ang gumagawa ng paraan o tumatrabaho para sa Public - Private Partnership na proyekto.

Sinasabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kapag ang NAIA ay hindi agad nagawan ng solusyon magkakaroon ito ng malaking problema sa mga pasahero nito sa susunod na 2015 porke inaasahan na dadagsain ng mga banyaga at turista ang Philippines my Philippines kaya malamang mag-over the bakod este mali capacity ang paliparan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, milyon madlang international passengers ang gumagamit sa NAIA puera pa siempre rito ang milyon domestic passengers.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, target na ilipat sa Sangley Point dyan sa tekabets ang NAIA sa susunod na mga taon.

Bakit?

“Kayang - kaya saluing ang taksan - taksang pasahero sa Sangley Point.’

Abangan.

Boxing - ball

HALOS natulala ang madlang people sa nangyaring bugbugan sa pagitan ng Emilio Aguinaldo College NCAA basketball players at Mapua NCAA basketball players dahil hindi nila akalain na uso pa pala ito sa nasabing liga.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, napanood ito sa tv ng madlang mahilig sa NCAA basketball, mapa-bata o matanda, may baktol o wala, bungal o pustiso ang ngipin, pipi at bingi kaya naman halos hindi sila makapaniwala sa nakita?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, binigyan na sila ng ‘penalties’ siempre kasama rito ang mga referee na diumano’y hindi nakontrol ang larong basketball sa pagitan ng dalawang naglalaban kolehiyo.

‘Sana hindi na ito maulit pa.’ sabi ng kuwagong nalinlang.

‘Dapat lang dahil kung ganito ng ganito ang mangyayari sa NCAA basketball league huwag na lang sila maglaro sa boxing na lang luminya ang mga maiinit na basketball players at baka tanghalin pa silang world champion? ayon sa kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Kamote, korek ka dyan!

ABANGAN

ASSET

AYON

BEST WISHES

EDGAR AGLIPAY

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

SABI

SANGLEY POINT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with