Santo Cristo de Burgos ng Sariaya
NGAYON ang kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal. Itinalaga ang pagdiriwang na ito ng mga Kristiano sa Basilica sa Golgotha noong taon 335 at itinalaga ni Papa Sergio noong taon 687 bilang dakilang kapistahan sa buong Simbahan.
Ang Banal na Krus ay pinasan ni Hesus upang tayo’y sagipin at patawarin sa ating mga kasalanan. Ito ang naging banal na kalasag upang paglabanan ang mga tukso sa ating pagbabalik-loob sa Panginoon. Kaya ang lahat ng simbahang Kristiano ay may Krus.
Ipinagmamalaki naming mga taga-Sariaya na bukod sa Patron San Francisco ng Assisi ay napakaraming namimintakasi tuwing Biyernes sa mapaghimalang malaking imahen na Sto. Cristo de Burgos. Ayon sa mga paring Franciscano na sina Fray Martin de Talavera at Fray Joaquin Alapont, sila ang naging makalangit na galamay ng mga Kastila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga pulo na kanilang nasakop. Ang baybayin dagat na tinawag nilang Castanas ay sinakop nila na halos nasa paanan ng isang Vulcan de Agua na ang tawag ng mga taga-roon ay Bundok ng Banahaw.
Kaya noong taong 1599 ay lumaganap na ang pananampalatayang Kristiyano sa lugar na yaon subalit maraming pagsubok ang natamo ng ating mga ninuno noong lusubin ng mga Muslim na nagmula karagatan ng Mindoro, kaya patuloy ang kanilang paglikas upang maiwasan ang kaguluhan mula sa lugar na tinatawag nilang Bucal 1641, Lumangbayan hanggang sa lugar na tinawag nilang Tumbaga noong 1703.
Nang lumindol noong 1743, maraming nasalanta sa sumabog na bato at buhangin. Napakalaking pasasalamat nila sa Poong Cristo de Burgos sapagkat nasagip sila sa kalamidad. Kaya lahat nang mamamayan doon at patuloy ang kanilang panalangin na iligtas sila sa anumang kapahamakan sapagka’t lahat kami ay may paniniwala at pananampalataya na hindi kami pababayaan ni Hesus, ang Sto. Cristo de Burgos.
Ang lubusang pinipintakasi sa bayan ng Sariaya hanggang ngayon ay ang mapag-himalang Sto. Cristo de Burgos. Iniregalo ang Krus na ito ni Haring Felipe V at sa kasaysayan nito ay maraming himala ang natamo ng mga namimintakasi sa awa at tulong n Hesus.
* * *
Happy birthday kay Sis. Viring Carlos
- Latest