^

PSN Opinyon

555

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

ANG 555 ay pangalan ng delatang sardinas. Ngunit ito din ang tawag sa mga contractuals sa shopping malls, restaurants, factories at marami pang negosyo.

Halimbawa, 555 ang pakutyang tawag sa sales girls at sales boys ng SM, Robinson’s, Gaisano, Ali Mall, mga malls ng Ayala at iba pa dahil sila ay pinapipirma ng mga kontrata na hanggang 5 months lamang ang trabaho nila.

Pero puwede silang i-rehire uli for another 5 months depende na lamang sa init o lamig ng ulo ng employers nila.

Labag sa Saligang Batas ang pagtrato sa mga contractuals dahil sila dapat ay may security of tenure, may sahod na sapat ikabuhay at makataong kalagayan sa trabaho  ayon sa pinag-utos ng Constitution sa Section 3 Article XIII.

Ayon naman sa Article 280 ng Labor Code kapag daw ang trabaho ng isang manggagawa ay “necessary or desirable” sa usual business ng employer, dapat ang turing sa kanya ay regular or permanent “written and oral contracts to the contrary notwithstanding.”

Maliwanag na ang trabaho ng sales girls at sales boys ay necessary and desirable sa negosyo ng shopping malls.

Ang pinagtatakahan ko lang ay kung bakit nagbubulag-bulagan ang mga kinauukulan sa harap nang maliwanag na isinasaad ng Saligang Batas at Labor Code.

Abalang-abala ba sila sa pansariling kapakanan at pagkakakitaan at paglalasing, hindi sa alak, kundi sa kapangyarihan na ang pinupulutan nila ay dinuguan o dugo ng Inambayan?

Ayon sa mga ekonomista, ang pera raw ay dugo na nag­bibigay-buhay sa ekonomiya ng isang bansa.

Walang ibang makatutulong sa contractuals kundi ang mga sarili rin nila sa pamamagitan ng pagkakaisa sa Respect Our Security of Employment (ROSE)  Movement na itinatag ko kamakailan.

Magkaisa! Huwag magpaisa!

Mag-text at mag-email sa: 09177929584, 09287444473, 09287886514, [email protected] at bisitahin ang ating Facebook page www.facebook.com/rosemovementph

 

 

ABALANG

ALI MALL

AYALA

AYON

FACEBOOK

LABOR CODE

RESPECT OUR SECURITY OF EMPLOYMENT

SALIGANG BATAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with