^

PSN Opinyon

Hulidap (Huling labas)

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA dalawang magkasunod na isyu, tinalakay ko ang  kaso ni Chukoy, apo ni retired Capt. Antonio Cruz na umano’y biktima ng hulidap sa Valenzuela City noong Hulyo 29. Ito’y tungkol sa pagbebenta ng apo ni Captain ng motorsiklong sinasabing carnap at ang binentahan ay isa umanong pulis.

Mariin pinabubulaanan ng tatlong pulis na inaakusahan, sina Eduardo Ramos, Elmer Miguel at Gerry Maliban, pawang may ranggong PO2 ng District Intelligence Dvision ng Northern Police District ang paratang na “hulidap”. Ang ginawa raw nila ay lehitimong operasyon at wala silang tinanggap na P20 libong piso. Agad naman silang pinanigan ng Hepe ng Northern Police District na si Pol/Supt. Cesar Tafalla Gerente.

Kung nabasa ninyo ang mga nauna kong isinulat kamakalawa at nung isang araw, sinabi ko na personal kong kilala at kumpare si Capt. Cruz at magagarantiyahan ko ang katapatan ng pagkatao na hindi tugma sa inireport ni NPD Chief Piol/Supt Cesar Tafalla Gerente na inaakusahan pa si Kapitan na protector ng karnaper.

Binigyan din ako ng kopya ng audio recording ng transaksyon sa pagitan ng ina ni Chukoy na si Marie at ng tatlong pulis na doo’y sinabi ng isa na “tutuluyan ba o tutulungan.”  Narinig ko pa ang balisang tinig ng ina ni Chukoy kausap ang isang kaanak na nakikiusap gumawa ng paraan para malikom ang halagang hinihingi sa kanila kapalit ng pagpapalaya kay Chukoy. Batid kong di tinatanggap na ebidensya ang mga recordings pero at least, napatunayan ko sa sarili ko kung sino ang nagsisinungaling.

Pero batid kong wala sa akin ang pagpapasya kung sino sa magkabilang panig ang nagsisinungaling bagamat may mga dokumentadong ebidensya akong hawak. Kaya ang panawagan ko lang kay National Capital Regional Command chief Gen. Carmelo Valmoria, pakisiyasat ito para huwag madiin at maparusahan ang inosente.

Hindi patas ito para sa isang dating kabaro ninyo na si  Ret. Capt. Tony Cruz na nagsilbi nang tapat sa serbisyo sa mahabang panahon, pagkatapos madudungisan ang malinis niyang pangalan nang mali at mapanirang akusasyon.

Planong sampahan ng kaso sa Ombudsman ng kumpare kong si retired Capt. Tony Cruz ang hepe ng District Intelligence Division ng Northern Police District na si Police Supt. Cesar Gerente dahil sa paghaharap ng aniya’y “imbento at mapanirang report”. Pare, karapatan mo iyan at iyan ang tamang gawin. Go for it!

ANTONIO CRUZ

CAPT

CARMELO VALMORIA

CESAR GERENTE

CESAR TAFALLA GERENTE

CHIEF PIOL

CHUKOY

NORTHERN POLICE DISTRICT

TONY CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with