^

PSN Opinyon

Executive ng broadcasting company, biktima ng bank hacker

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang hindi na safe ngayon ang tinatawag na electronic banking o E-banking?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Mayor Jonathan Tan ng Pandan, Antique; Commodore Aurelio Rabuza Jr., Fr. Albert Payoyo, Judge Lito Villarosal ng Makati RTC, Sis Jona Perlas, James Cuaton at Jonathan Coronia.

Alam n’yo bang nasimot ang pera sa banko ng isang executive ng isang broadcasting company nitong nakalipas na weekend?

Ayon sa aking bubwit, nagtataka ang radio executive  kung bakit hindi agad inaksiyunan ng isang malaking banko nang ireport niya ang unusual transaction sa kanyang bank account thru E-banking.

Napansin niya ang kakaibang withdrawal sa kanyang account noong Sabado dakong 10:30 ng gabi. May nag-withdraw sa kanyang account ng P100,000 at ipinasok ang account sa Dragon Pay.

Nang mapansin ng biktima na hindi niya transaction at matapos i-verify din sa kanya ng banko thru text message ang nasabing withdrawal, ito ay kaagad niyang pina-hold.

Ang malungkot na pangyayari, ‘yung time pala ng illegal transaction ay maintenance period ng banko. Kaya ang nangyari mula Sabado ng gabi hanggang Linggo ng alas-9:00 ng umaga ay nasimot na ng hacker ang kanyang pera sa banko. Paggising niya, zero balance na ang kanyang account.

Kaya babala sa mga may E-banking transaction, ingat kayo o bumalik na lang kayo sa regular na pagbabanko baka madale rin kayo ng mga hacker at masimot ang inyong pera.

Ayon sa aking bubwit, ang biktima ng bank hacking na nakuhanan nang mahigit kalahating milyong piso ay executive mismo ng Manila Broadcasting Company.

ALBERT PAYOYO

AYON

COMMODORE AURELIO RABUZA JR.

DRAGON PAY

JAMES CUATON

JONATHAN CORONIA

JUDGE LITO VILLAROSAL

KAYA

MANILA BROADCASTING COMPANY

MAYOR JONATHAN TAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with