^

PSN Opinyon

Collectors

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

SUPER buwenas nga ba o malas ang dala ng pagbabalik nina Ver Navarro at SPO1 Ricardo Zshornack sa kaharian ni Mayor Joseph Estrada at MPD director CSupt. Rolando Asuncion? Nitong nakaraang linggo matapos ang magarbong blessing sa 12 mobile patrol cars sa MPD headquarters na ibinigay nina Estrada at Vice Mayor Isko Moreno, lumutang ang pangalan nina Navarro at Zshornack na sila na ang over collectors sa mga pasugalan, putahan at video karera machines. Siyempre napangiwi ang aking mga nakausap na pulis sa MPD dahil malalagay na naman sa indulto ang kanilang hanay at mamamaho na naman sa lahat ng distrito ng pulisya sa Metro Manila, hehehe! May katwiran ang aking mga nakausap dahil nasa “no take policy” ang mga pulis matapos ipag-utos ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima.

Sa katunayan nang maupo si NCRPO director Carmelo Valmoria, nangupiti at nangabahag ang buntot ng mga pulis sa MPD dahil sa walang puknat na pagsalakay sa bookies ng horse racing, club na front ng putahan at video karera/fruit games machines sa Maynila. Kaya ang lahat ng mga pinaghinalaang collector ng vices ay itinapon sa RSAU sa Bicutan. Ngunit nitong nakaraang linggo nabigla ang mga pulis sa MPD dahil lumutang ang pangalan nina Navarro at Zshornack na sila ang tagahatid ng datung sa opisina nina retired General Robert Calinisan, MPD director Asuncion at  Manila City Hall Detachment Commander Chief Insp. Bernabe Irinco. Ang matindi pa nito pinaplantsa na sa kasalukuyan nina Ver at Zshornack ang P1.5 millions bidding sa video machines  nina Buboy Go at Gina Gutierrez.

Kung sino ang mapalad na mabigyan ng basbas ni Erap, siya na ang magiging hari o reyna ng salot na makina sa Manilenos, hehehe! Oras na kumalat na muli ang mga salot na makina nina Go at Gutierrez tiyak na tataas na naman ang kriminalidad sa Maynila at ang malalagay sa kahihiyan ay ang MPD. Di ba mga suki? Kaya ang hahalaklak sa huli ay sina Navarro at Zshornack dahil hindi sila rito naka-assign. Ayon kasi sa aking mga kausap, si Navarro ay naka-assign sa NCRPO habang si Zshornack ay sa Northern Police District subalit ang kanilang collection operation ay sa kaharian ni Erap. Ewan ko kung hanggang kailan ang buwenas nina Navarro at Zshornack dahil ang umaalma ay ang tinatapakan nilang mga pulis sa MPD. Abangan!

vuukle comment

ALAN PURISIMA

BERNABE IRINCO

BUBOY GO

CARMELO VALMORIA

ERAP

MPD

NAVARRO

NINA

ZSHORNACK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with