^

PSN Opinyon

Nilikha tayo ng Diyos!

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

“BAKIT ginugugol ang salapi sa mga bagay na hindi nakabubusog? Bakit inuubos ang pera sa mga bagay na walang halaga?” Ito ang paalaala sa atin ng Panginoon. Sinabi rin Niyang makinig tayo at sundin ang Kanyang utos at matitikman natin ang masarap na pagkain. Ang Kanyang Salita ay nakabubusog. Isabuhay natin ang aral Niya na magtuturo sa atin upang kamtin ang tunay na pagkain.

“Pinakakain mong tunay kaming lahat, O Maykapal.” Ang ating kabusugan sa Salita ng Diyos ay hindi makapaghihiwalay sa ating pagmamahal kay Hesus, ito man ay kahirapan, kapighatian, pag-uusig, gutom, kahubaran, panganib o tabak man! “Ang tao ay nabubuhay sa Salita ng Maykapal na pagkaing bigay.”

Maging ang pagpaparami ng tinapay at isda ni Hesus sa ilang ay napakalaking himala Niya. Nabusog ang lahat. Ang unang himala ni Hesus ay ang pagbubukas sa puso at isipan ng mga Hudyo upang ipamahagi ang anumang maliit na pagkain na nasa kanilang lukbutan.

Sa istorya ng mga dala-dalahan ay sinimulan ng mga Hudyo sa kanilang paglalakbay pabalik sa kanilang lupang Israel mula sa Egypt na pinatagal ng Panginoon ng 40 taon hangga’t hindi lubusang nagsisisi at nagbabagong-buhay. Sa kanila nagsimula ang ginagamit ngayon ng buong mundo lalung-lalo na tayong mga Pilipino. Ito ang belt bag. Sinimulan ito ng mga Hudyo milyong taon na ang nakalilipas. Ang tunay na himala ng Diyos ay hindi lamang yung dumating mula sa wala kundi ang pagbubukas ng nakapinid na pintuan ng puso at isipan nating lahat upang lumabas ang natatanging pagkain ng buhay.

Kadalasan sa ating pananalangin ay tinatanong pa natin ang Diyos. “Panginoon, bakit po kami’y nagugutom.  Nasaan na po ba ang biyaya Mo sa amin? Nasaan po ang aming pagkain?” Tanong tayo nang tanong sa Diyos nang maraming bagay. Isapuso natin at isaisip ang tugon Niya sa atin. Nilikha tayo ng Diyos at kailanman ay hindi tayo pababayaan! Kung gayon bakit nagtatanong pa tayo sa Panginoon?

Isaias 55:1-3; Salmo 114; Roman 8:35-39 at Mateo 14:13-21

* * *

Belated happy birthday (Agosto 2) kay Iloilo Archbishop Angel N. Lagdameo, D.D.

 

ANG KANYANG SALITA

DIYOS

HESUS

HUDYO

ILOILO ARCHBISHOP ANGEL N

NIYA

PANGINOON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with