DepEd remains committed to deliver quality basic education
IBINULONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na tiniyak ni DepEd Secretary Armin Luistro na lahat ng gustong matuto ay hindi mapag-iiwanan dahil sa iba’t ibang programa ng gobierno sa edukasyon.
Dapat lang!
Kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng makausap nila si Luistro “Our mandate is to provide every Filipino child with access to quality education,” bilang misyon ng Kinder Basic Education Act and the Enhanced Basic Education Act na isinabatas noong February 2012 at May 2013.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinabi ni Luistro na mula ng ilunsad ang Universal Kindergarten noong 2011 ay lumaki ang bilang ng Kindergarten enrollees na mula 1.64M noong SY 2010-2011 ay naging 2.29M noong SY 2013-2014.
Kasunod din ng pagpapatupad ng Kindergarten ay ang mas pinalawak na curriculum para sa Grades 1 & 7 noong SY 2012-2013, Grades 2 & 8 sa SY 2013-2014, at Grades 3 & 9 sa SY 2014-2015. Ang buong K to 12 curriculum ay nakumpleto nitong February 2014.
Ayon sa ulat ng DepEd, last 2012 at 2013, ipinakilala ang SHS modeling program sa 56 schools sa iba’t bang parte ng Philippines my Philippines para ihanda sa full implementation sa 2016.
Ang piling mga paaralan ay nag-aalok ng —Academic, Technical-Vocational, Sports, at Arts and Design.
Ang mga pioneer batch ng SHS modeling program ay nagsipagtapos na noong May 2014. Nasa 10,000 estudyante ang nag-enrol sa DepEd’s SHS modeling program nitong SY 2013-2014.
Umasiste rin ang DepEd sa mahigit 809,000 mag-aaral sa private schools sa ilalim ng Government Assistance for Students and Teachers in Private Education (GASTPE), isang programa kung saan ang kuwalipikadong mag-aaral ay puwedeng ituloy ang secondary schooling sa private schools sa pamamagitan ng fixed annual subsidy na sasakop sa tuition at iba pang school fees. Itinaas ng DepEd ang subsidy para sa mga mag-aaral sa private schools outside Metro Manila—mula P6,500 to P7,500. Target ng DepEd na palawakin ang coverage nito sa taong ito sa total projected grantees na 995,000 o katumbas ng 50% ng estudyanteng naka-enrol sa private high schools.
Bukod dito, pinahahalagahan ng DepEd ang Indigenous Peoples (IP) at Muslim learners. Sa pamamagitan ng Philippines’ Response to Indigenous Peoples and Muslim Education (PRIME) program, ay naabot ng edukasyon ang mahigit 100,000 IP at Muslim learners sa nakalipas na 3 taon.
Sabi nga, dapat lang talaga!
At para mas mapagserbisyuhan ang lahat ng madlang people na nais matuto, itinaas ng DepEd ang Information and Communications Technology (ICT) nito kabilang ang mapping ng schools at library hubs nationwide. Sa 46,603 public schools sa bansa, 84% ang naimapa na. Sa 9,855 rehistradong public schools na may libraries, 9,000 ang namapa na.
Sa pakikipagtulungan ng local at international education partners at public school teachers, nakadebelop ang DepEd ng Learning Resources Management and Development System (LRMDS), isang online library na naglalaman ng downloadable at free teaching and learning materials.
Binigyang din ni Luistro na ang ICT initiatives ay malaking tulong sa mga Filipino learners na magkaroon ng access sa up-to-date na quality education materials.
“It also provides a database to our educators where they can derive their lesson from. These materials will assist them in their lesson plans, and may also give an array of contextualized classroom discussion,” banggit ng Sekretaryo.
Kasabay nito, inihayag ng DepEd na naayos na ang 2010 backlogs sa textbooks at upuan, para makamit ang 1:1 students to textbook, at student to school seat ratio noong 2012.
Totoo ito?
Nakapagpatayo na rin ng 66,813 silid-aralan mula 2010-2013.
Lumikha rin ang kagawaran ng 102,600 teacher items para sa 2010-2013, na lumikha ng 25,000 bagong posisyon kada taon. Dahil dito, dumoble na ang average number ng teaching positions na nalikha sa nakalipas na budget years.
Sana lalo pang lumaki!
Puntirya din ng DepEd na makumpleto nag kasalukuyang konstruksiyon ng water at sanitation facilities sa pagtatapos ng 2014.
‘We will see!’
Abangan.
- Latest