^

PSN Opinyon

Show window sa mga turista ang Barangay Pinyahan?

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI biro ang ginagawang pagpapaganda at pagbibigay ng serbisyo ng Quezon City officials sa madlang taga-Kyusi lalo na kung ang paguusapan ay ang ekonomiya ng Siudad.

Sabi nga, 1st class ito at malamang ito pa ang maging commercial capital ng Philippines my Philippines.

Ika nga, hanep!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang hindi lang nakakabilib dito ang nangyayaring kababuyan dyan sa isang lugar ng Barangay Pinyahan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  mukhang gustong gawin show window sa mga banyagan turista ang kahabaan ng Magalang St., dyan sa tagiliran ng LTFRB? Hehehe!

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Bakit?

Sagot - para masuka ka? Hehehe!

Naku ha !

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noon mga nakaraan taon kung anu-anong negosyo ang inilagay dyan sa ibabaw ng bangketa at halos nakadikit pa sa pader ng LTFRB ang mga stall dyan pero mukhang may nakasilip dito kaya binaklas matapos makita ang kasagwaan ng lugar dahil ang madlang people na dapat sa bangketa naglalakad ay kalye na ang ginagamit at ang mga sasakyan nakaparada dito ay mga nakabalagbag kaya grabe as in grabe ang traffic noon dito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naulit na naman ang problema.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagiging problema na naman ang Magalang St., dahil may mga stall na naman ipinatong sa bangketa?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, last Friday ay nasilip nila ang lugar matapos silang dumaan dito pero laking buwisit nila ng makitang unti-unting bumabalik ang mga giniba todits.  Ang masama pa naglagay pa ng xerox machine dito sa bangketa.

Tanong natin kay Barangay Captain Lipnica Jr., kung saan kumukuha ng kuryente ang stall na nilagyan ng xerox machine dyan sa bangketa?  Sino ang nagbigay ng pahintulot dito?

May mga stall ng kainan itinayo muli todits.

May Business Permit kaya ito from Kyusi cityhall? Hehehe!

Naku ha ano ba ito?

Ang masama pa nagbalagbagan ulit ang mga sasakyan dito.

Sabi nga, double parking pa at ginawa pang terminal ito ng mga tricycle kaya naman kapag dumaan ang sasakyan dito tiyak malaking abala dahil sumikip ang kalsada. Paging Mayor Bistek, Your Honor!

‘Ano kaya ang masasabi rito ni Barangay Capt. Lipnica Jr.? tanong ng kuwagong inabala.

Itinatanong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  paano ba nagkakaroon ng suplay ng kuryente yong owner ng xerox machine dyan saan kaya nakakabit yang kur­yente nila at saan ba napupunta ang nakokolekta sa puwesto diyan sa gilid ng kalsada sa gilid ng tanggapan ng LTFRB?

Nagtatanong lang po?

 ‘Sino kaya ang nagbigay ng basbas dito?’ 

Abangan.

AYON

DITO

HEHEHE

KAYA

MAGALANG ST.

NAKU

SABI

TOTOO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with