Singapore, sampahan ng kaso sa ILO
ITONG bulilit na bansang Singapore ay dapat mag-apologize sa Pilipinas dahil hinayaan ang ilang Singaporean recruiters na magbukas ng galleries sa shopping malls sa Singapore na kung saan dini-display at binebenta ang mga Pilipinang Household Service Workers (HSWs) sa shoppers.
Ito ay labag sa karapatang pantao ng mga kababaihan natin doon. Dapat alam ng gobyerno ng Singapore na human beings are beyond the commerce of man.
Kapag hindi nagpalabas ng categorical statement ang Singapore na tinigil nito ang ganitong klaseng pang-aabuso, dapat sampahan ito ng kaso ng DOLE sa International Labor Organization for violation of several ILO conventions especially on the dignity of workers and decent work.
Ang DFA naman ay dapat ding makialam at kung kinakailangan ay dalhin ito sa kabatiran ng UN Commission on Human Rights.
Hindi one way traffic ang benepisyo ng ating HSWs sa Singapore. Tinutulungan nila ang Singaporean families na maging malinis at mailagay sa ayos ang kanilang pamamahay para ang mga ina at ama ng mga tahanan roon ay makatutok ng maigi sa kanilang mga negosyo o sariling pamumuhay na stress free.
Ang buong lipunan ng Singapore ang pangkalahatang nakikinabang sa serbisyo ng HSWs doon. Kaya dapat lang na ang gobyerno nito mismo ang mangungunang umaksyon at protektahan ang mga karapatan at kapakanan ng HSWs natin doon. Di dapat ito nagsawalang kibo na lamang.
Si Labor Attache Vic Cabe na umaksyon agad-agad laban sa abusadong Singaporean recruiter ay dapat ma-promote na Ambassador. Mahusay ang performance record ni Cabe magmula pa noong siya ay naging labor attaché sa Hong Kong at Dubai.
* * *
Makinig sa programang THE OFW SHOW, Lunes hanggang Biyernes, 1:00 to 2:00 ng hapon sa DWBL 1242 kilohertz AM hosted by Hannah Seneres Francisco and Marvin Javier – three time KBP Awardees kasama ang inyong lingkod.
- Latest