^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Payo sa Pinay OFWs: Iwasan ang Kuwait

Pilipino Star Ngayon

SA lahat ng bansa sa Middle East, ang Kuwait ang may pinakaraming naireport na pang-aabuso sa mga Pilipinang domestic helper. Grabe ang ginagawang pang-aabuso roon hindi lamang ang mismong employer ng Pinay kundi maging ang mga pulis o kahit mga tinedyer na pinagtitripan ang sinumang makitang babaing naglalakad sa kalye na hindi nila kababayan. Halos lahat na yata ng kasamaan ay inangkin na ng mga Kuwaiti. Maski ang among babae ay walang patumangga kung buhusan nang mainit na tubig ang maid o kaya’y plantsahin ito sa likod.

Noong nakaraang taon, napabalita ang isang Pinay maid na nagtatakbo nang hubad sa kalsada ng Al-Oyoun, Kuwait City. Hinihinalang nasira ang isip ng Pinay makaraang abusuhin ng kanyang amo. Mayroon namang nagsabi na nakatakas ang Pinay sa aktong panggahasa ng kanyang amo at nagtatakbo nang hubad.

Noong 2012, ipinagtapat ng isang Pinay ang masaklap na karanasan sa dalawang pulis Kuwaiti na nanggahasa sa kanya. Ayon sa Pinay, naghihintay sila ng kanyang asawa ng taxi patungo sa pinagtatrabahuhan nang tigilan sila ng police car. Bumaba ang mga pulis at hinanapan sila ng marriage certificate. Nang sabihin nilang nalimutan sa bahay ang dokumento, isinakay sila sa police car at tinungo ang kanilang tirahan para kunin ang marriage certificate. Ang kanyang asawa ang bumaba para kunin ang dokumento sa bahay. Pero sa halip na hintayin ang pagbalik ng asawa, tinangay na siya ng mga pulis at dinala sa isang tent sa disyerto. Tinalian ang paa’t kamay at binusalan. Kahit may regla ang Pinay ay walang awang ginahasa. Iniwan siya sa disyerto hanggang may tumulong sa kanya.

Ayon sa Migrante International, araw-araw ay may inaabusong Pinay maid sa Kuwait. Dalawa sa bawat tatlong Pinay ay nakararanas ng pang-aabuso. Noong nakaraang taon, 115 inabusong Pinay sa Kuwait ang tinulungang makauwi. Karamihan sa kanila ay tumakas sa malupit at manyakis na amo. Mayroong hindi pinasusuweldo at kung anu-anong pagmamaltrato ang ginagawa. Kamakalawa, naireport sa ABS-CBN ang isang Pinay maid na nabasag ang panga at nabali ang mga buto makaraang tumakas sa malupit na amo.

Sa mga Pinay na nagnanais magtrabaho bilang maid sa Kuwait, mag-isip muna nang 100 beses.

 

vuukle comment

AL-OYOUN

AYON

BUMABA

DALAWA

KUWAIT CITY

KUWAITI

MIGRANTE INTERNATIONAL

NOONG

PINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with