^

PSN Opinyon

‘Sagradong baka ba si Genuino?’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

ANG LAKAS ng bulusok ng mga kasong isinampa laban sa dating Chairman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o (PAGCOR), Efraim Genuino at kanyang mga karancho.

Ito ay dahil sa mga natuklasan ng Commission on Audit (COA) nung kauupo pa lamang ni Presidente Noynoy Aquino.

Ngayon ang Pork Barrel Scam at si Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr., ang laman ng mga balita, isama mo pa sina Janet Lim Napoles, ano na ang nangyari sa kaso nila Genuino?

Natutulog ba sa pansitan ang ating mga inatasan mula sa Sandigan Bayan at ito’y hindi kumikilos?

Matatandaan na nagpalabas ng kautusan si COA Chair Grace Pulido- Chan na isauli ni Genuino at walo pang kanyang mga dating kasamahan sa PAGCOR ang halagang P26.7 Million na kanilang ginastos sa pagbibili ng mga ‘movie ticket’ para sa pelikulang BALER noong 2008.

Sinalungat ni Ms. Tan at sinabing hindi legal ang paggamit ng pondo ng Pagcor para sa ganitong proyekto.

Ang iba pang mga pangalan na nadawit sa usaping ito ay sina, Rafael ‘Butch’ Francisco, Manuel Roxas, Rene Figueroa, Ester Hernandez, Estela Ramos at si Pedro Michael Cendana IV.

Ang desisyon na ito na naaprubahan nung Nobyembre 20, 2013 ni Tan at dalawa pa niyang commissioners at inilabas nung Disyembre 15.

Kinatigan nito ang mga nahalukay ng COA nung Setyembre 28, 2012.

Ang pelikulang BALER ay prinoduce ng anak ni Genuino at ang mga tiket ay ibinahagi sa labing dalawang (12) mga sangay ng Pagcor at umano’y sapilitang ibinenta sa mga kawani ng Pagcor at ibinawas sa kanilang mga sweldo.

Meron akong personal na kaalaman nito dahil mismong anak ko na nagtratrabaho sa Pagcor at ang aking manugang ay binawasan ng P500 piso.

Ang bayad ay pinadaan sa BIDA FOUNDATION o Bata Iwas sa Droga.

Ang transakyon na ito ay ‘null and void’ at ang ginawang basehan ay ang Charter ng Pagcor na ipinagbabawal ang paggamit ng ganitong pondo para sa ganitong proyekto.    

Sinabi ni Ms. Tan na meron silang kapangyarihan na magrepaso ng mga ginagastos ng government owned and controlled corporations (GOCC) at kasama dito ang Pagcor at ang lahat ng kanilang mga ‘accounts pertaining to revenues, receipts, expenditures and uses of government funds and properties’.

Hindi lamang ito ang kasong nakabinbin laban sa mga dating opisyales ng Pagcor sa pamumuno ni Genuino.

Siya din ay sinampahan ng Plunder at Graft na reklamo para sa usaping humigit kumulang na P258-Milyon na kape (coffee) na umano’y ‘overpriced’.

Kasamang nakasuhan sa reklamo sa ‘Office of the Ombudsman’ ay sina Rafael ‘Butch’ Francisco at Rene Figueroa at si Carlos Cristi Manalo-Tan ang siyang may-ari ng ‘Promolabels Inc., ang dating nagsusupply ng kape sa Pagcor.

Si Manalo-Tan ay umano’y kaibigan ni Genuino dahil kabarda daw nito ang asawa ni Genuino.

Sa reklamong inihain ng bagong director na si Jose Tanjuatco at Enriquito Nuguid, sinabi ng mga ito na ang Pagcor ay pumasok sa isang kasunduan sa Promolabels mula 2001 hanggang 2010. Natuklasan na ang mga ginagamit umano ay mga Figaro products at pinatungan para ito’y higit na maging mas mahal.

Ang kape ay binibigay ng libre sa mga manlalaro kaya naman todo inom ng kape ang mga tao dun at napakalakas ng consume.

Ang kasalukuyang pamunuan ng Pagcor ay nagpahayag na mula 2005-2008, limang (5) Casino Filipino Branches ay nagbayad sa Promolabels ng P258 milyon para sa mga produkto ng kape galing sa kanila,

 Ito daw umano ay may tongpats na pitumpu’t apat na poryento. (Sus, puro mga nerbyoso na ang mga tao dun kakainom ng kape TC).

Ayon sa mga kasalukuyang opisyales ng  Pagcor kung naghintay pa sila ng panahon kung kelan rerepasuhan ang mga dokumento ng kabuuang isang Bilyong Pisong gastos sa kape, hindi maisasampa ang reklamo kundi matapos ang ilang taong lilipas pa.

Sa pamumuno ni Genuino at ng kayang mga ‘Board of Directors’ ay inaprubahan na wala man lang ‘bidding’ o ni hindi man lang nakarehistro sa Security and Exchange Commission (SEC) sa pitong Casino Filipino branches.

Para palalain pa ang sitwasyon, pinahaba pa ang kasunduan sa pagitan ng dalawa at ito rin ay walang ginanap na ‘public bidding’.

Salungat sa nakasaad sa kontrata sa Pagcor ang Promolabels ay hindi nakarehistro sa SEC kaya’t lumalabas na ito’y ibinigay na lamang sa Promolabels ng  ganun-ganun na lamang.

MISMO ang ating mga state prosecutors kung bakit hindi kumikilos ang Sandigan Bayan sa usapin ni Genuino at ng kanyang mga kabarkada,

Hinihiling nila sa Sandigan Bayan na umpisahan na ang paglilitis dahil tila nakalimutan (o sadyang kinalimutan) ang mga kaso ni Genuino para sa patong-patong na ‘Graft cases at malversation charges’ at huwag payagan ang kanilang ‘motion for consideration’ at ibasura ito dahil walang merito.

Ang mga pinag-isa o pinagsamang hinihiling ito ng balewalain itong ‘motion for reconsideration’ ay mismong mga prosecutors ng Ombudsman na sina Joselito Ferrer, Gay Marie Lambingan-Rafael, Joseph Capistrano, at si Charmaine Calalang.

Ayon sa kanila na ang ipinahahayag ng mga akusado na wala pang ‘Judicial Determination of Probable Cause ay DENIED ng korte sa kinukwestyon na resolusyon.

Sa resolusyon ang mga prosecutors ay nagpahayag na ang Sandigan Bayan  ay otomatikong nagpakita ng ‘determination of probable cause’ sa kadahilanan sila ay sumasang-ayon na merong basehan ang mga kaso laban kay Genuino at kanyang mga kasama.

‘Thus contrary to the movants allegations, the assailed resolution and the corresponding orders of arrest are not without basis,’ ayon sa mga prosecutors.

Hindi rin naman raw nakitaan ng ‘abuse of discretion’ na nilabag ng Ombudsman sa kanilang isinagawang imbestigasyon at resolusyon sa kaso. Wala din naman daw nakitang mali na nagawa ang mga prosecutor na nag-imbestiga kaya’t walang dahilan para hindi ipag-utos na hulihin na itong sina Genuino at kanyang mga kasama sa bisa ng ‘warrant of arrest’.

May mga bulong-bulungan na may sinasandalang pader itong si Genuino kaya naantala at nauupuan ang mga kaso nito.

Ang aking ipinagtataka ay kung mas mabigat pa ba ang mga ito sa Ombudsman at sa tanggapan ng ating president na walang sini-sino maging senador ka man o mayaman na negosyante.

Layunin ng ating pangulo na mapatupad ang ‘tuwid na landas’ at ito ang malaking bagay na maiiwan niya sa ating mga kababayan sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2016.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal, magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landlines 6387285 / 7104038.

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

 

GENUINO

PAGCOR

PARA

PROMOLABELS

SANDIGAN BAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with