20 payo upang gumaan ang buhay
TALAGANG ganyan ang buhay, kaya magtiis, magtiyaga,†payo ng matatanda sa anomang suliranin, sitwasyon, o sama ng loob. Pero huwag lang magmukmok. Sundin ang iba pang mga payo:
(1) Lumakad nang 10-30 minuto kada araw -- nakangiti. (2) Maupo nang nag-iisa, matahimik, 10 minuto araw-araw. (3) Pagbangon sa umaga, sabihin agad sa sarili: “Ang pakay ko ngayong araw ay....†(4) Makinig sa mahusy na musika araw-araw -- pampabusog sa damdamin. (5) Mabuhay nang masigla, ganado, at mapag-kapwa.
(6) Maglaro nang mas malimit kaysa nakaraang taon. (7) Magbasa ng mas maraming libro kaysa nakaraang taon. (8) Tumingala sa langit araw-araw, damahin ang ganda ng mundo. (9) Mas malimit na mangarap habang gising. (10) Kumain nang mas maraming galing sa tanim, hindi sa pabrika.
(11) Kumain ng prutas at mani, uminom ng green tea at maraming tubig araw-araw; at sa gabi, sa isang basong wine, i-toast ang ganda ng buhay at pagmamahal ng mga kasama. (12) Subukang patawanin ang ‘di bababa sa tatlong tao araw-araw. (13) Iwasan ang kalat sa bahay, kotse, o opisina; dagdagan ang sigla sa buhay. (14) Huwag aksayahin ang panahon sa tsismis, negatibong isip, nakalipas, o mga bagay na hindi mo kontrolado. (15) Ang buhay ay paaralan, narito tayo para matuto, at ang bawat problema ay leksiyon.
(16) Mag-almusal na parang hari, mananghalian na parang prinsipe, maghapunan na parang pulubi. (17) Ngumiti, tumawa palagi. (18) Huwag palampasin ang anomang pagkakataon na yakapin ang kaibigan. (19) Napaka-ikli ng buhay para magtanim ng galit. (20) Huwag masyadong seryosohin ang sarili.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest