^

PSN Opinyon

‘Sa ending ang simula’ (Unang bahagi)

CALVENT FILES - Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09213263166, 09198972854

Tel. Nos.: 6387285, 7104038

 

KAPAG LAHAT NG kilos mo may mga matang nakabantay, mga malalagkit na nakatitig, may malisya ang nasa isip…pakiramdam mo nababalahura ang iyong pagkababae.

“Napapalibutan nila kami. Sa unahan si Leslie, sa kabilang pader ang bahay ni Lalan. May bahay din sila sa kabilang eskinita,” sabi ni ‘Mara’.

Takot na baka makuyog ang dahilan umano ni ‘Mara’ (di tunay na pangalan) 21 anyos kung bakit hindi niya agad nireklamo ang 30 anyos na si Rolando Lopez Jr. o “Lalan”, ang umano’y nangmolestiya sa kanya.

Tubong Pangasinan ang ina ni Mara habang taga Mindanao naman ang kanyang ama subalit sa Taguig na siya lumaki at nag-aral.

Sa edad na 17 anyos, pagka-‘graduate’ ni Mara ng hayskul nagsimula na siyang magrebelde. Dahil sa pag-ibig nakilala niya ang ‘Christian’ na si Orlando o “JB” mabilis siyang napaibig nito. Wala silang kinilalang relihiyon, kulay o paninindigan at pinairal nila ang nararamdaman ng kanilang katawan.

Naglapat ang kanilang labi, nag-init ang kanilang katawan hanggang ito’y magbaga at umabot ng sukdulan. Nagtalik sila buong gabi hanggang malapit ng kumagat ang umaga. Bagamat hapung-hapo na sila parang kulang pa rin ang mga nangyari sa laki ng pagmamahal sa isa’t isa.

“Nabuntis ako kaya nagsama na kami ni JB. Sa Pangasinan ako nanganak hanggang tumuloy kami sa biyenan ko sa Bicutan,” ani Mara.

Nang mag-isang taon na ang kanilang anak napadpad sila sa isang compound sa Tanyag. “Sanla-tira” ang kanilang tinuluyan.

Sinamahan si Mara ng kanyang kaibigan sa isang maliit na kwarto na nasa ikalawang palapag. Pinakilala sa kanya ang may-ari na si Leslie Briol at asawa nito. Ang usapan daw nila, isasanla ang kwarto sa P20,000 sa loob ng isang taon.

“Kapag natubos na nila, aalis na kami. Kapag gusto pa namin tumira dun pwede pa naman kami mag-renew,” sabi ni Mara.

Marso 1, 2013 mismong araw ng makausap niya si Leslie gumawa na raw agad ito ng kontrata. Sa mga litratong dala ni Mara kita ang itsura ng bahay. Sa loob ng isang eskinita sa gilid naroon ang gate na may ‘padlock’ na di-‘code’. Ito na ang nagsisilbi na nilang pinto.

“Pagbukas mo ng gate, hagdan na. Nandun na lahat sa taas. Banyo, lutuan at kutson kung saan kami humigang pamilya. Maliit na kwarto lang talaga siya. Kami lang tatlo ng asawa at anak ko ang kasya,” ayon kay Mara.

Maayos ang naging pakikitungo ng pamilya ni Leslie kay Mara. Madalas nga raw silang magkwentuhan sa labas o kaya sa tapat ng tindahan nito.

Kina Leslie pa nga raw sila nagpapataya ng ‘ending’(laro kung saan ang dalawang huling numero sa basketball ang hinuhulaan at pinagpupustahan). Naging malapit din si Mara kay Charlene, 25 anyos.

“Magpinsan ang asawa ni Charlene at mister ni Leslie,” kwento ni Mara.

Nobyembre 20, 2013…pagabi na, nakausap niya si ‘Lalan’ at nagtanong kung tataya siya ng ‘ending’. Kasama nun ni Lalan si Leslie.

“Nung ko lang nalamang magkapatid pala sila,” ani Mara.

Kwento ni Mara, nung una niyang makita si Lalan inakala niyang trabahador ito ni Leslie. Ipinakilala ni Leslie si Lalan, inalam daw ni Lalan ang kanyang ‘cell phone number’ para sa mga susunod na taya ‘text-text’ na lang. Binigay ni Mara ang kanyang numero.

Parehong gabi, nag-inuman si Mara sa bahay ni Charlene---kadikit lang din ng kanilang inuupahan. Nandun daw si Lalan nagpatulong pa raw silang magsindi ng bote ng alak. Matapos daw nito umalis ito at naningil ng pa-ending.

Nang mangalahati na ang kanilang iniinom bumalik daw itong si Lalan.

“Syempre inalok siya ni Charlene. Pakisama lang dahil kapatid siya ng may-ari ng bahay,” sabi ni Mara.

Dito raw sila unang nagkakwentuhan. “Mabait ka pala? Akala ko mataray ka, maarte. ‘Wag ka magagalit ah… alam mo crush kita masama ba yun?” sabi umano ni Lalan sa kanya.

Binalewala raw ni Mara ito at nagpatay malisya umano, “Hindi, crush lang naman ay paghanga…” ani raw niya.

Ika-24 ng Nobyembre 2013, 8:00PM, kwento ni Mara… habang naglalaro ng ‘chess’ ang kanyang asawa sa may labasan kasama ang kanilang anak, naiwan siyang nag-iisa sa kanilang kwarto.

Habang nasa banyo, narinig niyang bumukas ang tarangka ng kanilang ‘gate’ at may yapak na papanik. Inakala niyang mag-ama niya yun.

Paglabas sa CR, nakita na lang niya si Lalan, na naka sandong puti at puruntong. “Oh bakit ka nandito?!” gulat na tanong ni Mara.

Walang anu-ano, sinunggaban na lang umano siya ng mga halik nitong si Lalan sa leeg. “Hinila niya pababa ang damit ko at hinalikan niya ang dibdib ko. Tinulak ko siya pero sobra niyang lakas. Pati balat niya ang kapal… talagang batong-bato,” pagsasalarawan ni Mara.

Nagpupumiglas daw si Mara hanggang matabig niya ng kanyang paa ang bote ng soft drinks at gumawa ng malakas na kalampag. Dito na tumigil si Lalan.

“Sinampal ko siya ng malakas. Mabilis siya bumaba at lumabas ng bahay,” pahayag ni Mara.  

Sa sobrang takot, hindi na raw nakapagsalita itong si Mara. Kahit wala na si Lalan, parang dumikit daw sa kanyang katawan ang nakasusulasok na amoy ng pabango nito kaya’t mabilis siyang nagpalit ng damit. Maya-maya dumating na ang kanyang asawa at anak.

Gustong daw niyang magsumbong subalit pinangunahan siya ng takot  kaya’t nanahimik na lang hanggang dumaan na ang gabi.

“Nag-text sa akin si Lalan pagkatapos ng nangyari. Sorry daw nakainom daw siya,” wika ni Mara.

Nakwento niya raw ito kay Charlene. Nilihim daw nila ito.

Ika-09 ng Desyembre 2013, 6:00AM, kaaalis lang ng kanyang mister papunta trabaho. Natutulog pa silang mag-ina ng maramdaman na lang niyang may humahalik sa kanyang leeg at habang ito’y nakayakap.

“Akala ko mister ko kaya hinayaan ko muna siya. Gumagala ang kanyang kamay sa aking katawan. Lumingon ako, nagulat ako na si Lalan pala!  Sinubukan kong hintuin siya subalit napakalakas niya…” salaysay ni Mara.

ABANGAN ang iba pang detalye sa umano’y pangmomolestiya kay Mara.

EKSKLUSIBO. Sa BIYERNES dito lang sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854.  Landlines 6387285 / 7104038.

vuukle comment

DAW

KANYANG

LALAN

LANG

LESLIE

MARA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with