EDITORYAL - Sino ang paniniwalaan sa isyu ng bigas?
NAGTAAS ng P2 ang kilo ng bigas. Maraming maÂhihirap ang umaray. Bakit tumaas na naman? Dapat bang magmahal ang bigas gayung sinasabi ni President Noynoy Aquino na sapat ang bigas? Pati si Agriculture Secretary Proceso Alcala ay nagsabing hindi kukulangin ang bigas. Pati ang National Food Authority (NFA) ay ganito rin ang sinasabi. Wala raw kakulangan. E bakit kailangang magmahal? Ang sabi naman ng Malacañang, panÂsamantala lamang ang pagtaas ng presyo. Babalik din daw ito sa normal kapag nagsimula ang pagtatanim at pag-aani.
Kung babalikan ang mga sinabi ni P-Noy sa kanyang SONA noong 2012 ukol sa bigas, mapapangiti ang lahat sa ganda sapagkat tila hindi na nga magdaranas ng pagmamahal ng bigas ang sambayanan. Ito ang sinabi ng Presidente: “Kung paglago po ang usapan, nasa tuktok ng listahan ang agrikultura. Kayod-kalabaw po si Secretary Alcala upang makapaghatid ng mabubuting balita. Dati, para bang ang pinapalago ng mga namumuno sa DA ay ang utang ng NFA. 12 billion pesos ang minana nilang utang; ang ipinamana naman nila sa atin, 177 billion pesos. Hindi po ba’t noon, pinaniwala tayo na 1.3 million metric tons ang kakula-ngan sa bigas, at para tugunan ito, di bababa sa 2 million metric tons ang kanilang inangkat. Parang unlimited rice sila kung maka-order ng bigas, pero dahil sobra-sobra, nabubulok lang naman ito sa mga bodega. Ang 1.3 million metric tons, unang taon pa lang, napababa na natin sa 860,000 metric tons. Ngayong taon, 500,000 na lang, kasama pa ang buffer sakaling abutin tayo ng bagyo. Huwag lang po tayong pagsungitan ng panahon, harinawa, sa susunod na taon ay puwede na tayong mag-export ng bigas.â€
At sa kanyang SONA noong nakaraang taon (2013), sabi niya: Ang pagpapalakas naman sa sektor ng agrikultura: natupad din. Isipin po ninyo, ayon sa NFA: Noong 2010, nag-angkat ang bansa ng mahigit dalawang milyong metriko tonelada ng bigas. Noong 2011, bumaba ito sa 855,000 metric tons. Noong 2012: 500,000 metric tons na lang. At ngayong 2013: Ang pinakasagad na nating aangkatin, kasama na ang pribadong sektor, ay ang minimum access vo-lume na 350,000 metric tons. Nakapaloob na po dito ang 187,000 metric tons sa reserbang buffer stock sakaling magsunud-sunod ang bagyo; malamang, dahil on-target pa rin tayo sa rice self-sufficiency, hindi na rin kailangan pang mag-angkat ng pribadong sektor. Dagdag pa po diyan, nagsimula na tayong mag-export ng matataas na uri ng bigas.â€
Sino ang paniniwalaan sa isyung may kinalaman sa bigas?
- Latest